PH Volcanoes, Lady Volcanoes naka-bronze | Bandera

PH Volcanoes, Lady Volcanoes naka-bronze

Angelito Oredo - April 16, 2017 - 10:00 PM

NAGKASYA ang Philippine Volcanoes at Lady Volcanoes sa tansong medalya sa ginanap na Singapore Southeast Asia Sevens matapos itakas ang maiigting na panalo sa kani-kanilang labanan para sa ikatlong puwesto sa maulan na Biyernes Santo sa Singapore.

Sinandigan ng Volcanoes si Jonel Madrona na nagawang makaiskor bago tumunog ang buzzer upang maungusan ang nahubaran ng titulo na Thailand, 12-10, at kumpletuhin ang kanilang kampanya sa panalo sa torneo na ilang beses pinigil ng malakas na pag-ulan sa Yio Chu Kang Stadium.

Kinailangan naman ng Lady Volcanoes ang dagdag na oras bago nagawa ni Sylvia Tudoc ang kinakailangan nito na  puntos para talunin ang Malaysia, 17-12, para sa ikatlong puwesto.

Nakatakda naman paglabanan ng walang talo na Singapore at nanguna sa Pool A na Malaysia ang gintong medalya sa men’s division habang ang Singaporeans at Thais ang magsasagupa sa kampeonato sa women’s side.

Matapos malasap ang 5-17 kabiguan sa host Singapore na Team A sa maulan at maputik na kundisyon, bumawi ang mga Pinoy sa pagwawagi sa Indonesia, 31-0, at Brunei, 42-5, upang tumapos sa Pool B sa No. 2 at makausad sa labanan para sa tansong medalya kontra sa ikalawa sa Pool A na Thailand.

Nanguna ang Malaysia sa Pool A na may 3-0 kartada para agad tumuntong sa finals.

Agad din nabigo ang Lady Volcanoes kontra sa host Singaporeans sa unang laro sa Pool B sa paglasap ng 0-27 kabiguan. Gayunman, bumalikwas ang mga Pinay, na tinulungan ng dalawang atake ni Rassiel Sales, upang itala ang 30-0 panalo kontra Indonesia para makapasok sa semifinals.

Ang Thailand, na siyang defending women’s champion sa torneo, ang agad na pumutol sa pagnanais ng mga Pinay sa pagpapatikim dito ng 34-0 dominasyon upang magbalik sa finals kontra sa Singapore. Tinalo ng host ang Malaysia sa isa pang Last 4 encounter,
21-5.
Ang torneo ay sinalihan ng koponan bilang paghahanda nito sa 29th SEA Games sa Kuala Lumpur kung saan ang Volcanoes ang defending champion habang nais ng Lady Volcanoes na mapaganda ang nauwing tanso noong 2015.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending