Meralco nasungkit ang ikaanim na panalo | Bandera

Meralco nasungkit ang ikaanim na panalo

Melvin Sarangay , |April 16,2017
facebook
share this

Meralco nasungkit ang ikaanim na panalo

Melvin Sarangay - , April 16, 2017 - 10:00 PM

Mga Laro sa Miyerkules
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. San Miguel Beer vs Mahindra
7 p.m. NLEX vs Barangay Ginebra

NAGLATAG ng matinding depensa sa ikaapat na yugto ang Meralco Bolts para matambakan ang Blackwater Elite, 102-91, sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup game Linggo sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Binura ng Bolts ang 80-72 kalamangan ng Elite sa ikaapat na yugto at nagsagawa ng 18-4 ratsada para makubra ang 90-84 bentahe sa kalagitnaan ng yugto.

Dinaig sa puntusan ng Meralco ang Elite, 30-11, sa huling yugto para mahablot ang ikaanim na panalo sa pitong laro.

“Offensively, it took us a while to figure them out. But our defense won us this game tonight and we played much better in the second half,” sabi ni Meralco coach Norman Black, na ang koponan ay umangat sa 6-1 kartada.

Pinamunuan ni Jared Dillinger ang Meralco sa itinalang 21 puntos, tatlong rebounds, tatlong steals at dalawang assists habang si Alex Stepheson ay kumana ng 18 puntos, 15 rebounds, limang assists at dalawang steals.

Subalit si Kelly Nabong ang nanguna sa pagbangon ng Bolts na ibinuhos ang 11 sa kanyang 13 puntos sa huling yugto.

Magkakaroon naman ang Bolts ng 17-araw na pahinga bago sumabak muli sa aksyon kontra Phoenix Petroleum Fuel Masters sa Mayo 3.

Binuhat ni Greg Smith ang Blackwater sa itinalang 19 puntos, 14 rebounds, pitong assists, tatlong steals at tatlong blocks.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending