TINATAYANG 150 Pinoy, kabilang na ang 14 na mga bata ang nakatakdang dumating bukas matapos payagang makaalis mula sa Saudi Arabia bilang bahagi ng repatriation program ng gobyerno.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inaasahang darating ang mga Pinoy sa Maynila bago magdaling araw kung saan nakatakda ring umuwi si Pangulong Duterte mula sa isang linggong state visit mula sa Middle East.
Idinagdag ni Bello kinokonsidera ang mga Pinoy na mga undocumented at binigyan ng amnestiya ng Saudi Arabia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending