Batang Pinoy Finals iniusog sa Pebrero 2018
ITINAKDA ng nag-oorganisang Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsasagawa nito ng national championships ng Batang Pinoy-Philippine National Youth Games (PNYG) para mas mabigyan ng mahabang paghahanda ang mga batang atleta sa gintong medalya at overall championships sa huling linggo ng Pebrero 2018.
Ito ang napag-alaman kay PSC chief of saff at Batang Pinoy overall coordinator Ronnel Abrenica matapos itakda ang mga pagsasagawaang lugar ng tatlong qualifying leg ng torneo na para sa mga kabataang atleta na kabilang sa out-of-school youth at nasa eskuwela na nasa edad 17-anyos pababa.
“The national championships of the 2017 Batang Pinoy will be held last week ng Pebrero 2018 para mas mabigyan natin ng nararapat na panahon at paghahanda ang mga batang atleta na mag-qualify,” sabi ni Abrenica.
Inihayag naman ni PSC Research, Planning and Development officer Alona Quintos ang tatlong qualifying leg para sa torneo na unang isasagawa ang Mindanao Leg sa Oroquieta City sa Hulyo 9 hanggang 15 na agad na susundan ng Visayas Leg sa Dumaguete City sa Setyembre 10 hanggang 16.
Isasagawa ang Luzon Leg sa itatakda na petsa sa Oktubre sa Vigan City habang ang National Finals ay gaganapin sa Abellana Sports Complex sa Cebu City.
Samantala, hindi na isasagawa ngayong taon ang qualifying legs para sa Philippine National Games (PNG) kung saan lahat ng mga atletang nais sumali ay diretso nang makakalahok sa National Finals na gaganapin sa Disyembre 3 hanggang 9 sa Cebu City.
“But they still have to submit their entries by LGUs,” sabi ni Quintos. “Although the PNG is straight to finals, we follow the same process for all participants to be LGU endorsed.”
Ang deadline sa Form A o entry by numbers ay itinakda sa Oktubre 6, 2017 habang ang Form B o entry by names ay Nobyembre 3.
Kinakailangan para sa Batang Pinoy ang LGU endorsement at 2 years residence para sa mga isinilang noong 2002 and before habang sa PNG ay by birthplace at 2002 thereafter. Ang mga Fil-foreigners na nais sumali ay dapat patunayan na Pilipino ang kanilang magulang by citizenship o heritage.
Nakataya sa mga lalahok na local government units sa Batang Pinoy at PNG ang malaking insentibo na ibibigay sa unang pagkakataon ng PSC napremyong cash para satatatanghaling overall champion na P10 milyon.
Ang makakasama sa Top 10 ay mag-uuwi ng P9M sa ikalawa, P8M sa ikatlo, P7M sa ikaapat, P6M sa ikalima, P5M sa ikaanim, P4M sa ikapito, P3M sa ikawalo, P2M saikasiyam at P1M sa ikasampu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.