SAF troops dumating sa  Bohol habang nagpapatuloy ang bakbakan | Bandera

SAF troops dumating sa  Bohol habang nagpapatuloy ang bakbakan

- April 12, 2017 - 04:12 PM

bohol

NAGPAPATULOY ang bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at ng pinaghihinalaang mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Sitio Ilaya, sa liblib na barangay ng Napo, Inabanga, Bohol matapos ang mahigit 24 hours nang magsimula ang labanan.

Walang pumasok at lumabas sa barangay matapos namang i-cordon ng militar ang barangay na matatagpuan 10 kilometro mula sa national highway.

Sinabi ni Senior Insp. Jojit Mananquil, deputy head ng provincial intelligence branch ng Bohol Police Provincial Office (BPPO), na dumating ang mga tropa mula sa Special Action Force mula sa Maynila matapos lamang ang isinagawang airstrike ganap na alas-4:40 ng umaga kahapon.

“Hopefully, the armed men would be neutralized by Wednesday (Apr. 12),” sabi ni Mananquil.

Umabot na sa anim na Abu Sayyaf ang napapatay sa labanan na nagsimula alas-5:40 ng umaga noong Martes nang iulat ng mga residente ang presensiya ng mga armadong kalalakihan sa barangay.

Tatlong sundalo at isang pulis ang nasawi, samantalang mahigit 1,200 residente ang inilikas sa kani-kanilang bahay.

Kinilala ni Inabanga Mayor Josephine Jumamoy ang mga nasawi na sina  2nd Lt. Estelito Saldua
Jr., Corporal Meljun Cabajan, Sgt. John Dexter Duero at SPO2 Rey
Anthony Nazareno, na mula sa bayan ng  Calape, Bohol at isang miyembro ng  Special Weapons and Tactics Group.

Namatay naman ang isang 80-anyos matapos atakihin sa puso noong Martes ng gabi sa kasagsagan ng matinding bakbakan.

Sinabi ni Jemmylito Logrono, 23, residente ng Barangay Liloan Sur, na tumanggi ang kanyang lolang si  Beatriz Labandero, na lumikas sa kabila ng pakiusap ng mga lokal na mga opisyal.

Idinagdag ni Logrono, nasa evacuation center, na inatake ang kanyang lola ganap na alas-6 ng gabi noong Martes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending