Hiling ni Jinggoy: Sana nga ito na ang huling mahal na araw namin ni pareng Bong sa loob! | Bandera

Hiling ni Jinggoy: Sana nga ito na ang huling mahal na araw namin ni pareng Bong sa loob!

Cristy Fermin - April 13, 2017 - 12:20 AM

jinggoy estrada at bong revilla

IKATLONG Mahal Na Araw na ngayon ng magkaibigang Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla sa PNP Custodial Center. Mas mainit, mas ramdam ang alinsangan, dahil palaging tirik ang araw.

Tuwing ganitong panahon lang nagpepenetensiya ang mga kababayan natin, pero ang magkaibigan ay sobra-sobrang penetensiya na ang pinagdadaanan sa loob ng kulungan, hindi na kailangan pang dumating ang Semana Santa para maramdaman nila kung anong panahon na.

Sabi nga ni Senador Jinggoy, “Kailangan pa bang mag-Holy Week para magpenetensiya kami ni Bong? Bawat araw na dumaraan magtatatlong taon na ngayon, e, matindi nang pagtitika para sa amin.

“Sana nga, e, huling Mahal Na Araw na namin ito sa loob. Sana nga, e, makasama na namin ni Pareng Bong ang mga pamilya namin,” sinserong sabi ng aktor-pulitiko.

May hiling si Senador Jinggoy, ang sana’y makadalo siya sa ikawalumpung-taong-kaarawan ng kanyang ama sa April 19, sana nga ay payagan siya ng Sandiganbayan na makasama ang kanyang ama, dahil hindi na bumabata ang dating pangulo at mayor ngayon ng Maynila.

Sana nga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending