SC inatasan si Marcos na magbayad ng P66.2M; P15.7M si Robredo | Bandera

SC inatasan si Marcos na magbayad ng P66.2M; P15.7M si Robredo

- April 12, 2017 - 03:58 PM

marcos-robredo-05091

INATASAN ng Korte Suprema, na umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET), si dating senador  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbayad ng kabuuang P66.2 milyon para sa muling pagbibilang ng mga boto kaugnay ng kanyang inihaing protesta laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa tatlong pahinang resolusyon na pinirmahan ni  En Banc Clerk of Court Atty. Felipa B. Anama, sinabi nito na ito ay para sa muling pagbibilang ng 132,446 precincts na ipinoprotesta ni Marcos.

Sa kanyang protesta, kinuwestiyon ni Marcos ang resulta ng bilangan sa 39,221 clustered precincts.

Hiniling ni Marcos ang manu-manong bilangan ng mga boto para sa 36,465 precincts.

Samantala, inatasan naman ng PET si  Robredo na magbayad ng  P15,639,000 para sa  31,278 precincts.

Inatasan ng PET si Marcos na magbayad ng P36,023,000 sa Abril 14 at P30 milyon sa Hulyo14.

Kailangan namang magbayad si Robredo ng  P8 milyon sa Abril 14  at P7,439,000 sa Hulyo  14.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending