AlDub Nation sa US nabitin sa pakilig nina Maine at Alden; JoWaPao bentang-benta | Bandera

AlDub Nation sa US nabitin sa pakilig nina Maine at Alden; JoWaPao bentang-benta

Jun Nardo - April 12, 2017 - 12:01 AM

aldub at jowapao
KILIG overload ang dala nina Alden Richards at Maine Mendoza sa una nilang pagsasama sa concert stage last April 9 sa Pasadena Civic Center. Para sa show na “KS Sa US” ang pagpunta ng dalawa na matagal na hiling ng kanilang fans sa Amerika.

Sinamahan nila ng yakapan, lambingan at harutan ang production number nila kaya naman busog na busog ang mata at puso ng Team Amerika ng AlDub Nation. Bigay na bigay rin kasi ang dalawa kaya ‘yung crowd, tili, sigaw, palakpak at padyakan nang padyakan sa venue!

Ibinahagi naman sa amin ni Rams David, President ng Triple AAA Management, na full house ang Civic Center. Maagang pumila ang mga tao kaya naman nang showtime na, mahigit 3K katao ang pumuno ng venue.

“Super saya ng audience sa 2 and a half show. Sumakit ang tiyan nila sa katatawa sa kalokohan nina Jose, Wally at Paolo. Nakabibingi ang sigawan sa loob nang lumabas na sina Alden at Maine,” message sa amin ni Rams.

Bitin pa nga ang manonood sa dalawa at kalahating oras ng show, huh! To think na nagsilbing front act pa ang stand up comedians na sina Rey Kilay at Bachie na naninirahan na sa Amerika.

“Sulit na sulit ang ibinayad ng mga nanood. ‘Yung iba ay galing pa sa Seattle, Chicago at Washington DC,” saad pa sa text ni Rams.

Kinabukasan, April 10, lumipad patungong New York City sina Alden at Maine kasama ang Jo-Wa-Pao. Ngayong araw na ito, April 12, ang show naman nila sa Kings Theater sa Brooklyn, NYC.

Sa Lunes, balik-trabaho na sina Alden at Maine sa Destined To Be Yours na magagandang episodes ang naiwan sa manonood na nasa Team Bahay ngayong Mahal na Araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending