Imahe nina Coco at FPJ sa malawak na sakahan ginawa na ring tourist attraction sa Nueva Ecija | Bandera

Imahe nina Coco at FPJ sa malawak na sakahan ginawa na ring tourist attraction sa Nueva Ecija

Ervin Santiago - April 12, 2017 - 12:05 AM


coco martin at fpj

ALIW na aliw ang mga netizens sa kumalat na litrato ng isang rice field kung saan makikita ang magkatabing imahe nina Coco Martin at Action King Fernando Poe, Jr..

Ang nasabing larawan ay mula sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na kanilang ginagamit ngayon para sa kanilang FutureRice Program. Ang imahe ng original at bagong mukha ng Ang Probinsyano ay makikita sa isang malawak na sakahan sa PhilRice’s central experiment station sa Maligaya, Science City, Muñoz, Nueva Ecija.

Gumamit ang PhilRice ng Korean purple rice para sa pagkorte sa mukha nina FPJ at Coco sa nasabing rice field, bukod pa riyan ang paggamit ng “3D anamorphosis principle, which makes the artwork appear normal only when viewed from a certain angle.”

Ayon sa PhilRice, “This rice paddy art project aims to increase the awareness of netizens and millennials on rice farming and agriculture.” Naniniwala ang mga taong nasa likod ng proyektong ito na mas marami pa ang makakaalam sa kanilang mga ginagawa sa PhilRice sa paggamit nila sa imahe nina Coco at FPJ.

Sabi nga ng isang netizen na nagkomento sa nasabing larawan, sikat na sikat kasi ngayon si Coco at isa siya sa mga local celebrities na patuloy walang sawang tumutulong sa mga nangangailangan tulad din ng ginagawa noon ni Da King noong nabubuhay pa ito.

Nauna na nilang ginamit para sa nasabing project ang mga imahe nina Jose Rizal, President Rodrigo Duterte at Vice-President Leni Robredo.

Maaaring makita ang nasabing paddy art hanggang May 14. Maaari kayong makipag-ugnayan sa FutureRice farm sa pamamagitan ng official Facebook account ng PhilRice o mag-e-mail sa [email protected].

Samantala, ayaw pa rin kaming tantanan ng mga adik sa Ang Probinsyano kung kailan ba talaga matatapos ang numero unong Primetime Bida serye ng ABS-CBN. Actually, kahit kami ay walang idea kung hanggang kailan pa tatagal sa ere ang programa ni Coco.

Pero kung ang gagamitin nating basehan ay ang huling sinabi ng award-winning Kapamilya actor na hangga’t marami pang nanonood at marami pang sumusuporta sa Ang Probinsyano, ay tuluy-tuloy lang ang kanilang trabaho.

Ibig sabihin, mukhang matatagalan pa nga bago magpaalam ang number one primetime series ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending