Alden nakalmot sa leeg at mukha nang pagkaguluhan ng mga fans sa Amerika | Bandera

Alden nakalmot sa leeg at mukha nang pagkaguluhan ng mga fans sa Amerika

Jun Nardo - April 11, 2017 - 12:01 AM

maine mendoza at alden richards

REUNITED ang mag-amang Paolo Ballesteros at Keira nang dumating ang host-actor sa Los Angeles, California last Saturday.

Bahagi ng show na “KS sa US (Kalye Serye sa US)” si Pao kasama sina Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo at Wally Bayola.

Nu’ng Linggo, Abril 9, ang unang show sa Pasadena Civic Auditorium. Bale ito ang unang sabak ni Meng sa show sa abroad kasama si Alden. Sabay silang umalis ng Maynila.

Natural, mainit silang sinalubong ng Team Amerika ng AlDub Nation. Matagal na nilang pinangarap makita ang mga idolo na magkasama sa isang stage.

May balita pa nga na nakalmot sa mukha at leeg ang Pambansang Bae dahil sa sobrang panggigigil daw ng ilang fans.

Sa hashtag na #KalyeSeryeSaLosAngeles sa Twitter, sold out ang tickets sa Pasadena Civic Auditiorium base sa tweet ng ADN. May video silang ipinakita kung gaano kahaba ang pila sa venue.

Detalyado ang updates nila mula sa pagbukas ng gates ng venue hanggang sa nasa loob na sila.

“DAMING TAO! All these people are excited to see you two @maidendcm and @aldenrichards02,” ang sabi ni @tinluvsmaichard.

“Super saya ng Team LA. Thank you for the things that you do for our happiness,” ang tweet naman ni @DTVY-Lia.

Mas marami ang tweet sa hashtag ng “KS sa US” kumpara sa shows ng ilang magka-loveteams na ginanap sa abroad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula sa California, sa New York City naman ang “KS sa US” sa April 12 kaya humanda na uli kayo AlDub Nation!

Wala man ang AlDub sa bansa, memorable naman ang mga ginawa nilang episode para sa Eat Bulaga Lenten Drama Special na mapapanood this week, pati na sa primetime drama nilang Destined To Be Yours sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending