SINABI ni Sen. Panfilo Lacson na irerekomenda ng kanyang komite ang paghahain ng kasong perjury laban kay SPO3 Arturo Lascañas sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Mayo 2.
Si Lacson ang siyang chair ng Senate committee on public order and dangerous drugs, na siyang nagsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng pag-amin ni Lascañas na bahagi siya ng Davao Death Squad (DDS).
“We are drafting the committee report on that one hearing held by the public order and illegal drugs committee and will be reported out in the plenary after we resume session on May 2,” sabi ni Lacson sa isang text message.
Nauna nang itinanggi ni Lascañas ang pagkakaroon ng DDS nang una siyang humarap sa pagdinig ng Senado noong Oktubre noong isang taon.
Ngunit sa isang press conference noong Pebrero 20, binawi ni Lascañas ang kanyang naging pahayag kung saan inakusahan niya si Pangulong Duterte na binayaran ang mga miyembro ng DDS para patayin ang mga kriminal at mga kaaway.
Noong Linggo, umalis si Lascañas ng bansa dahil umano sa banta sa kanyang buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.