Paano aahon sa utang? (2) | Bandera

Paano aahon sa utang? (2)

Joseph Greenfield - April 07, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Cora ng Lima, Pastrana, Leyte
Problema:
1. Nabaon po kami sa utang kasi pilit naming minintina yong tindahan naming ng pagkain sa palengke kahit na ito ay palugi naman at mahina ang kita. Dito kasi kami kumuha ng ikinabubuhay kahit na ang puhunan namin ay galing lang sa utang. Ang mister ko naman ay dating OFW pero mula ng bumaba siya sa barko at hindi na uli nakasampa.
2. Nais ko lang malaman Sir Greenfield, kung may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa utang at sa paanong paraan? November 13, 1977 ang birthday ko at April 28, 1976 naman ang mister ko.
Umaasa,
Cora ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible kayo ng mister mo na may zodiac sign na Taurus, kung saan, ang pagsasama ng Taurus at Scorpio ay sadyang itatalang maunlad at maligaya.
Numerology:
Ang birth date mong 13 at 28 naman si mister ay nagsasabing hindi lang kayo sa zodiac sign tugma at compatible bagkus tugma at compatible din kayo sa birth date, kung saan ang kahulugan ng numerong 13 at 28 ay maraming biglang suwerteng darating sa inyong buhay na magsisimulang mangyari at maganp sa taon ding ito ng 2017.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy na dumaloy ang suwerte at magandang kapalaran, lagi kayong gumamit ng kulay pula, dilaw at berde. Ang nasabing mga kulay ang lalo pang gaganda at lalago ang inyong kabuhayan.
Huling payo at paalala:
Cora ayon sa iyong kapalaran, sa kasalukuyang taong 2017, wag kang mabahala sa sandaling nag-aplay si mister sa abroad, muli siyang makapangingibang bansa at ang pangingibang bansang ito ay siya na ring magiging bagong simula upang ang inyong kabuhayan ay tuluyan na uling maka-recover. Dating din ang panahong ikaw naman ang makapag-aabroad o kaya naman’y sabay kayong mag-aawa na makapangibang bansa, at sa panahong iyon, tulad ng inaasahan unti-unti nyo ng mababayaran ang inyong mga pagkakautang hanggng sa bandang huli dahil nga sa walang tigil na pag aabraod, malaking ang tsansa na hindi lang kayo makakaahon sa utang at uunlad bagkus yayaman pa ng yayaman ang inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending