OPISYAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang summer o ang dry season.
Idinagdag ng weather bureau na nagtapos na ang northeast monsoon sa bansa.
Nagdulot ng mga pag-ulan sa bansa ang northeast monsoon, partikular sa northern at central Luzon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Vincent Malano, head ng Pagasa inaasahan na ang pag-init ng temperatura sa pagpasok ng summer.
“The day-to-day weather will gradually become warmer and drier in the coming weeks, with the establishment of the north Pacific High Pressure area expected over the weekend, and the continued effects of the easterlies or winds coming from the Pacific being felt in the country,” sabi ni Malano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.