NAKISALO ang Star Hotshots sa itaas matapos tambakan ang Mahindra Floodbuster, 97-83, sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup game Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Kumamada si Tony Mitchell ng 19 puntos, 14 rebounds at 6 blocks para sa Hotshots na nasungkit ang ikaapat na diretsong panalo para makasalo ang Alaska Aces sa top spot.
Nagtala naman si Alex Mallari ng 24 puntos at 6 rebounds para sa Floodbuster na nahulog sa 1-4 kartada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending