Ambush sa Ilocos Norte: 1 patay; vice mayor, 2 pa sugatan | Bandera

Ambush sa Ilocos Norte: 1 patay; vice mayor, 2 pa sugatan

John Roson - April 05, 2017 - 04:34 PM
ilocos norte Sugatan ang bise-alkalde ng Marcos, Ilocos Norte, at dalawa niyang kasamahan habang isa pa ang nasawi nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin Martes ng gabi. Nagtamo si Vice Mayor Jessie Ermitanio ng tama ng bala sa balikat at kanang hita, habang kasama niyang si Ricky Florendo at empleyadong si Edralene Arellano ay tinamaan sa iba-ibang bahagi ng katawan, sabi ni Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte provincial police. Dead on arrival naman sa ospital ang 21-anyos na driver ni Ermitanio na si Lucky Jesrel Rumbaoa, ani Corpuz. Naganap ang insidente dakong alas-7, habang dumadaan sina Ermitanio malapit sa Padsan River, Brgy. Daquioag, lulan ng Toyota Fortuner (AAR-3215) Kagagaling lang ng bise-alkalde sa isang “field visit” sa eastern barangays ng Marcos, nang paulanan ng bala ng mga di kilalang tao ang kanyang sasakyan, ani Corpuz. Matapos iyon ay tumawag si Ermitanio sa lokal na pulisya para iulat ng insidente, aniya. Isinugod ng mga rumespondeng pulis sina Ermitanio sa Doña Josefa Edralin Marcos District Hospital, pero doon ay idineklarang patay ng doktor si Rumbaoa. Nilipat sina Ermitanio, Florendo, at Arellano sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center ng Batac City para sa karagdagang lunas. Nakatagpo ang pulisya ng isang kargadong kalibre-.38 revolver sa Fortuner, habang sa paligid ay narekober ang isang pistol hoslter, pati na handle grip at 46 basyo ng M16 rifle. (John Roson) – end –

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending