TUWING kami’y magpo-programa sa Banner story-DZIQ 6-9AM, palaging usapan namin ang bilang ng mga taong napapatay sa magdamag. Maging ito’y napatay sa police buy bust operations, summary killings, riding-in-tandem, itinapon sa kalye na nakabalot o kaya ay pinasok sa loob ng bahay ng mga nakamaskarang lalaki.
Sa kasagsagan ng Oplan Tokhang noong nakaraang taon, may bilang kami na umaabot sa 18 o kaya’y 20 bawat magdamag dito sa Metro Manila. Hilong-hilo ang mga police reporter kung saan sila magku-cover ng mga nabaril lalo pa’t sabay-sabay at sunud-sunod ang tinatanggap nilang report.
Pero, nag-iba ang sitwasyon matapos i-relaunched ang Oplan Tokhang noong Marso 7. Ang dating “take no pri-soners approach” ay pinalitan ng mga sunud-sunod na pag-aresto na lamang lalo’t hindi nanlaban ang mga suspek. Pinakamasipag dito ang Quezon City at mga lungsod din ng Parañaque, Maynila at Navotas.
Kapansin-pansin na bumalik ang negosyo ng droga sa suspensyon ng Tokhang. Noong Bi-yernes lamang P110 milyon halaga ng shabu at malalakas na armas ang nasamsam ng NBI sa Binondo. Ganoon din ang mga street level na negosyo sa Taytay, Mari-kina at iba pa.
Ang magkakahiwalay ngunit coordinated na aksyon ng PDEA, NBI at PNP ay nagreresulta ng mga malakihang huli na talaga namang kagulat-gulat. Pero ang mga ganitong accomplishments ay nagbibigay pa rin ng malalaking kwestyon. Nasaan ang mga drug operators ?
Maliban kina Mayor Espinosa ng Samar at Melvin Odicta ng Iloilo na parehong napatay, ang arestadong drug queen na si Lovely Adam Impal, nasaan na ang iba pang malalaking drug lords?
Nasaan na si Peter Lim (Jaguar) ng Visayas na pinangalanan ni Pres. Duterte at ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kabilang sa “level 5 drug lords”? Ano ang susunod nilang aksyon sa nakakulong na si Peter Co (Wu Tuan) na lider ng drugs syndicate ng Metro Manila?
Nasaan na ang kanilang sinasabing “associate at coddler” na si Retired PNP Gen. Marcelo Garbo? Bakit hindi pa kinakasuhan kahit 280 days na halos ang Duterte administration?
Saan ka naman nakakita na mismong hepe ng PNP Crime Lab sa Alabang ay lulong sa shabu? Magtataka pa ba kayo kung bakit may kidnap-for-ransom sa loob mismo ng Camp Ctame hanggang ngayon? Dahil, nariyan pa rin ang mga tiwaling pulis sa serbisyo.
Nauna rito, meron daw tatlong congressman na sangkot sa illegal drugs, sabi mismo ni Speaker Pantaleon Alvarez. Samantalang si Pangulong Digong naman nagsabi na 40 porsiyento ng mga baranggay officials ay nasa ilegal na droga.
Alam niyo po ang mga pahayag na ito ng Duterte adminsitration ay dapat sundan ng karampatan at konkretong aksyon. Hindi puro dakdak o patutsadang pulitiko lamang. Mabuti na lang at nakakadama nang matiwasay na “peace and order” ngayon ang tao sa “petty street crimes”, ka-yat hindi ito iniintindi.
Pero, kailangan nilang malaman kung kailan maipakukulong o huhulihin ang mga malalaking pinuno ng mga drug syndicates sampu ng kanilang mga protektor sa PNP, NBI, PDEA, mga mayors, go-bernador, congressman at barangay officials.
Hindi po pwedeng wala tayong nahuhuling malaking isda o drug lord sa mga raids? At puro guraming isda o maliliit lamang ang pinapakita sa publiko.
Mr. President, Gen. Bato, nasaan na ang mga big time drug lords at protektor nila?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.