TNT Katropa nakalusot sa Blackwater | Bandera

TNT Katropa nakalusot sa Blackwater

Melvin Sarangay - , April 01, 2017 - 12:02 AM

Laro Ngayon
(USP Gym, Davao City)
5 p.m. Barangay Ginebra vs  Phoenix Petroleum

SINANDALAN ng TNT Katropa Texters ang mga maaasahang manlalaro para mauwi ang ikalawang sunod na panalo matapos malusutan ang Blackwater Elite, 92-89, sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup elimination round game Biyernes sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Uminit ang mga kamay ni TNT rookie guard Roger Pogoy sa laban kung saan nakaiskor pa ito ng krusyal na go-ahead tip may 1:48 sa laro bago bumitaw si Larry Fonacier ng 3-pointer may 1:15 ang nalalabi para itulak ang Tropang Texters sa 92-87 bentahe.

Ang rookie mula sa Far Eastern University Tamaraws na si Pogoy ay tumira ng 11-of-14 field goals para pangunahan ang TNT sa itinalang 24 puntos, apat na rebounds at tatlong assists at naging malaking tulong siya para sa bagong import na si Donte Greene at ang na-foul trouble na si Jayson Castro.

Si Greene, na pinalitan ang NBA journeyman na si Lou Amundson, ay nagtapos na may 22 puntos mula sa 9-of-28 field goal shooting na sinamahan niya ng 13 rebounds, dalawang steals at isang block.

Si Castro ay nagdagdag ng 13 puntos, tatlong assists at dalawang rebounds, nag-ambag si Kelly Williams ng 11 puntos at walong rebounds habang si Ranidel de Ocampo ay may 10 puntos para sa Tropang Texters.

Pinangunahan ni Greg Smith ang Elite sa ginawang 22 puntos at 31 rebounds.

Nagdagdag naman sina Kyle Pascual at Ronjay Buenafe ng tig-12 puntos para sa Blackwater.

Samantala, sasabak sa kanilang unang laro ngayong kumperensiya ang 2016-17 PBA Philippine Cup finalist Barangay Ginebra Gin Kings sa pagsagupa sa Phoenix Petroleum Fuel Masters sa kanilang out-of-town game ngayon sa University of Southeastern Philippines Gym sa Davao City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending