Dagdag na P1,000 para sa special cases inilabas na ng SSS | Bandera

Dagdag na P1,000 para sa special cases inilabas na ng SSS

Liza Soriano - March 31, 2017 - 12:10 AM

INILABAS na ng Social Security System (SSS) sa mga partner banks ang karagdagang P1,000 benepisyo para sa unang pangkat ng mga pensyonadong kabilang sa mga ispesyal na kaso.
Ang unang grupo ng mga pensyonado na nasa ilalim ng special cases ay maaari nang i-withdraw ang kanilang karagdagang P1,000 benepisyo ngayong araw (Biyernes) Marso 31.

Halos 41, 000 pensyonado na kabilang sa mga ispesyal na kaso ang maaari nang mag-withdraw ng kanilang dagdag na P1,000 benepisyo para sa mga buwan ng Enero hanggang Marso .

Katulad nga po ng ating unang mga anunsyo na ito ay retroactive mula noong aprubahan ito ni Pangulong Duterto noong Enero 10, makatatanggap sila ng mula sa P1,000 hanggang P3,000 pensyon bukas

Kasama sa mga pensyonado na makakatanggap ng hanggang P3,000 dagdag benepisyo ay mga nasa ilalim ng Special Pension Systems kabilang ang death claim na higit sa isa ang tumatanggap ng pensyon at ang isa ay overpaid; benepisyaryo na may withheld share; pati na ang mga pensyonado na saklaw ng Bilateral Social Security Agreement sa pamagitan ng Pilipinas at ibang bansa gayundin ang Portability Law.

Ngunit para sa death benefit na higit sa isa ang benepisyaryo, hindi lahat sila ay makakatanggap ng P1,000 na dagdag benepisyo. Bagkus, paghahatian ng lahat ng payees ang P1,000 dagdag benepisyo.

Gayundin, ang mga pensyonado na nasuspinde dahil sa hindi pag-report sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ngunit nakatakda nang tanggapin ang kanilang buwanang pensyon ngayong Enero hanggang Marso 2017, ay tatanggapin ang kanilang dagdag benepisyo kasama ng kanilang regular na pensyon na babalik ngayong Marso.

Para sa unang pangkat ng mga pensyonadong tatanggap ng karagdagan P1,000 benefit, naglabas ang SSS ng halos P71.829 milyon para sa 41,486 pensyonado. Mula sa kabuuang bilang ng pensyonado para sa unang pangkat, 6,685 pensyonado ay kabilang sa Special Pension System samantalang ang natitirang bilang ay mga pensyonadong muling makatatanggap ng regular na buwanang pensyon matapos ang ACOP compliance.

Habang ang mgab retiree pensioners na nag-avail ng advance 18 months retirement pension mula Agosto 2015 ay makakatanggap ng P1,000 dagdag benepisyo sa Mayo 12 at saklaw nito ang mga natitirang buwan mula Enero 2017.

Ang mga pensyonado na may settled initial disability, death at retirement (DDR) claims mula Nobyembre 2016 hanggang Abril 2017, gayundin ang mga nag-file ng adjustment sa kanilang pensyon, ay maiwi-withdraw ang P1,000 dagdag benepisyo sa kanilang bank accounts sa Mayo 12.

Ang ibang uri ng pensyonado na nakatakdang makatanggap ng dagdag benepisyo sa Mayo 12 ay ang partial disability pensioners na hindi lalagpas sa 12buwan ang nabayarang lump sum. Ang dagdag P1,000 kada buwan ay magsisimula ng Enero 2017 at sakop ang mga natitirang buwan ng kanilang disability pension

Ang mga pensyonado na kumuha ng tatlong buwan advance pension dahil sa bagyong Lawin at Nina noong nakaraang taon ay babayaran ng dagdag benepisyo sa Mayo 26.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mga tanong at paglilinaw, ang mga pensyonado ay maaaring tumawag sa SSS hotline sa numerong 920-6446 hanggang 55 o mag-email sa [email protected].
Pres and Chief
Operating Officer Emmanuel
Dooc
SSS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending