IBINASURA agad ng Korte Suprema ang kaso ng disbarment na inihain laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Sa isinagawang en banc, nagdesisyon ang Kataastaasang Hukuman na i-dismiss ang kaso dahil sa kawalan ng merito. “The Ombudsman is part of the short list of public officers who may be removed only by impeachment,” sabi ng SC. Inihain ng natalong kumandidato sa pagkasenador na si Greco Belgica ang disbarment laban kay Morales. “[Belgica’s logic] clearly contravenes the established principle that the Ombudsman, who may be removed from office only by impeachment, cannot be charged with disbarment during her incumbency,” ayon pa sa SC.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending