Angel nakatatlong best actress awards na; Bea napolitika kaya talunan sa Luna Awards
Aba’y nakatatlong Best Actress trophy na si Angel, una sa PMPC Star Awards For Movies, then sa FAMASat nitong huli nga’y sa Luna Awards ng Film Academy of the Philippines. May mga nagsasabing magandang vindication umano ito sa mga nang-isnab kay Angel sa 2013 Metro Manila Film Festival, sa EnPress at sa upcoming na Urian awards.
Ano kaya ang masasabi rito ng mga nakasagupa niyang “heavyweight” gaya nina Ate Guy, Gov. Vilma Santos, Bea Alonzo at Angelica Panganiban.
Naging maugong din ang name nina Pokwang at Bea sa Luna Awards (lalo na ang huli for movie The Mistress), pero ang tropeo nga ay nakuha ni Angel. May nagkomento ngang follower ni Bea na naging biktima raw ito ng kakaibang botohan dahil habang halos nakopo ng “The Mistress” ang mga major acting awards mula kay John Lloyd Cruz (Best Actor) hanggang kina Ronaldo Valdez (Best Supporting Actor) at Hilda Koronel (Best Supporting Actress), tila hindi pinaboran ng mga FAP Guild voters ang acting ni Bea. Nanalo rin ngang Best Director si Olive Lamasan for the same movie, at Best Screenplay din.
Pero ang isa pang nakakalungkot dito ay ang hindi pagdating nang halos lahat ng pinarangalan nu’ng awards night. May 31 taon nang nagbibigay ng awards ang FAP pero tila nawawalan na ito ng kinang hindi tulad noong mga panahon na talaga namang pinaghahandaan ng mga nominadong artista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.