Kahit sino pwedeng mag-file ng bigamy | Bandera

Kahit sino pwedeng mag-file ng bigamy

Atty. Fe Siton - June 05, 2013 - 12:04 PM

 

DEAR Atty. Fe:
Ask ko po, sino kaya ang magpa-file ng kaso ng bigamya kasi dalawang beses na akong kinasal, ang dati kong asawa ay kasado na rin sa iba. Di ba wala namang kaso kung walang magpa-file ng kaso? Salamat po. – Berting, 60, Tagum City, …7209

Dear Berting:
Ang bigamy/bigamya ay public crime. Kahit sino ay maaaring mag-file ng bigamy sa isang tao na dalawang beses na ikinasal. Ibig sabihin, maaaring ang dati ninyong misis ang mag-file at kahit kaanak ninyo ay maaaring mag-file, pwede rin ang prosecutor.
Ang kailangan na ebidensya ay certified true copy ng dalawang marriage contract na inyong nilagdaan na makukuha sa Civil Registrar o sa National Statistics Office. – Atty. Fe

Dear Atty. Fe:
Magandang araw po! Ako po si Roy, 40 years old at residente ng Compostela Valley. Ask lang po, nagtatrabaho po ako sa isang kompanya almost 10 years na. Pero inabsorb ‘yung company namin ng company ng asawa ng may-ari ng company namin. Yung mga kasamahan ko binayaran, pero ako hindi. Almost one year na ako rito sa bagong company, regular din naman ang status ko. Nakapirma ako ng bagong kontrata for regularization last June 1. Maitanong ko lang po, may habol pa ba ako sa dating boss ko? Salamat po! – Roy Arias,…9950

Dear Roy:
Kayo po ay dapat mabigyan ng one month for every year of service. Kung 10 taon na po kayo sa dating company, meron dapat kayong 10 months salary na natanggap. Magsampa ng demanda sa National Labor Relations Commission.

Dear Atty. Fe:
Ako po si Lyn, 36. Matagal na akong hiwalay at may iba ng pamilya ang asawa ko. Wala na po akong balita kung nasaan na sila. Tanong ko lang po, pwede ba ako magsampa ng petition of annulment of marriage dito sa Maynila kahit sa Mindanao po kami kinasal? At magkano po ang magagastos? – Lyn, ….4767

Dear Lyn:
Opo, kayo ay pwedeng magsampa ng Petition for Annulment of Marriage sa Regional Trial Court kung saan po kayo nakatira. – Atty. Fe

Dear Atty. Fe:
Magtatanong lang po ako at hihingi ng tulong kung maaari po. May tendency po ba na makulong ako dahil po hanggang ngayon hindi pa rin nase-settle ang kaso kong shoplifting. Mag-aapat na taon na po iyon. Kasi po ay hanggang ngayon hindi pa rin po ako makapagbayad sa mall dahil po wala naman kaming pera at hirap po ako makapag-apply ngayon dahil nagkaroon po ako ng TB. Kada hearing naman po uma-attend naman po ako. May iba bang paraan para po maayos na po ang kaso ko? Thanks and god bless. — Chichi, Makati, ..2721

Dear Chichi:
Kung ang inyong hearing po ay tuloy tuloy at kung kayo naman po ay 100 percent present sa attendance, sa ganitong paraan lang po madi-dismiss ang inyong kaso. Ang “amicable settlement” po ang tanging paraan upang ma-dismiss po ang demanda na shoplifting/theft. – Atty. Fe
(Editor: May komento o reaksyon ba kayo sa artikulong ito? O may tanong ba kayo na nangangailangan ng tugon na may kinalaman sa batas? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 o 09178052374.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending