Australia nagbabala sa paglipat ng ISIS sa  Mindanao | Bandera

Australia nagbabala sa paglipat ng ISIS sa  Mindanao

- March 26, 2017 - 06:09 PM
duterte-bishop-e1489752556695 NAGBABALA ang Australia na posibleng lumipat ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Mindanao dahil nawawala na ang  impluwensiya nito sa Middle East.
“We don’t want to see it emerge elsewhere in the world, otherwise, we’ll be back in a few years’ time talking about how to defeat a caliphate in the southern Philippines,” sabi ni Australia Foreign Minister Julie Bishop.
Ito’y sa harap naman ng pagkatalo ng ISIS  sa Iraq at Syria.
Idinagdag ni Bishop na tinawag pa ng ISIS na “emir” ang  lider ng Abu Sayyaf  na si  Isnilon Hapilon.
Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inatasan ng ISIS si  Hapilon na mula sa Basilan,  lumipat ang teroristang grupo  sa Central Mindanao.

“[S]o there is concern that ISIS may well seek to declare a caliphate” in the southern Philippines,” ayon pa kay Bishop.
Lalapit ang ISIS sa Australia sakaling matuloy ang balak ng grupo na makapasok sa Mindanao.
“This brings the threat right to our doorstop,” sabi ni Bishop.
Aniya, isa ito sa mga isyu na kanyang tinalakay nang makipagkita kay Pangulong Duterte sa Davao City noong Marso 17.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending