Magkakutsaba sina GMA at FG sa kurakot; De Venecia at Lozada hindi mga "whistle-blowers"; atbp. | Bandera

Magkakutsaba sina GMA at FG sa kurakot; De Venecia at Lozada hindi mga “whistle-blowers”; atbp.

- November 12, 2009 - 03:22 PM

SINABI ng Senate blue ribbon committee na pinangungunahan ni Sen. Dick Gordon na may kinalaman si Pangulong Gloria sa “mabahong” $329-million NBN-ZTE deal.
Alam ng Pangulo, sabi ng komite, ang tungkol sa kabulastugan ng kontratang NBN-ZTE. Matagal nang alam ng taumbayan ang pangungurakot ng mag-asawang Gloria at First Gentleman Mike Arroyo, pero naging “official” ang kanilang alam dahil sa report ng blue ribbon committee.
Sa pagsisiwalat ng committee ni Gordon, nabisto nang tuluyan ang sabwatan ni Gloria at Mike sa pangungurakot.
Noong araw, maraming nag-aakala na di alam ng Pangulo ang katiwalian na ginagawa ng kanyang esposo.
Ang alam ng karamihan, hindi magkakutsaba sina GMA at si First Gentleman sa katiwalian.
Many people gave the President the benefit of the doubt, kahit na alam nila na magpapatay-malisya lang si GMA.
Pero sa report ng blue ribbon, inirerekomenda na ma-impeach si GMA dahil sa NBN-ZTE deal.
The committee also did not spare other persons, who supposedly blew the whistle on the mess from blame.
Ang mga inirekomenda rin ng komite ni Gordon na dapat sampahan ng graft cases ay sina Secretary Romy Neri, na noon ay director-general ng National Economic and Development Authority (Neda); former Speaker and now Pangasinan Congressman Joe de Venecia at ang kanyang anak na si Joey III; at si Jun Lozada, na umani ng simpatiya ng taumbayan dahil sa kanyang testimonya laban kina First Gentleman Mike at former Comelec Chairman Ben Abalos.
Sinabi ng komite na hindi whistle-blower si Joey de Venecia dahil inilantad lamang niya ang katiwalian sa NBN-ZTE deal nang hindi naibigay ang kontrata sa kanya.
Ganoon din itong si Jun Lozada. Sa pag-iimbestiga ng inyong lingkod, si Lozada ay bagman ni Neri.
Inilantad ni Neri ang katiwalian sa NBN-ZTE deal, ayon sa resulta ng aking imbestigasyon, dahil maliit lang ang kanyang magiging parte—P200 million—samantalang bilyon-bilyon ang makukurakot nina Mike Arroyo at Abalos.
Akala ba ninyo ay uliran ang motibo ni Lozada? Ang nagbunsod sa kanya ay inggit sa malalaking parte nina FG at Abalos at maliit ang kanila ni Neri.
Sa aking pag-iimbestiga sa kaso, napag-alaman ko na tuwing may malaking government project na kailangan ang pirma ni Neri bilang Neda chief, si Lozada ang nakikipag-usap sa mga lider ng ahensiya that would undertake the project.
Humihingi ng lagay si Lozada in behalf of Neri bilang parte nila sa kurakot na makukuha sa proyekto.
q q q
Binatikos ni Gordon si Ombudsman Mercy Gutierrez sa kanyang pagbale-wala sa NBN-ZTE deal.
“The Ombudsman is wrong in merely dismissing the case against the President on the mere pretext of presidential immunity from suit,” sabi ng komite ni Gordon.
Sabi ni Gordon, dapat ay gumawa ang Ombudsman ng sariling imbestigasyon at ang nakuhang resulta ay ipasa sa Kamara de Representantes na siyang nagdedesisyon kung sasampahan ng impeachment complaint ang Pangulo.
Si Dick Gordon naman!
Alam naman niya na si Gutierrez ay bata-bata ni Mike Arroyo. Si Mike Arroyo ang nagrekomenda kay Mercy Gutierrez sa posisyon ng Ombudsman dahil magkaklase sila sa Ateneo College of Law.
Bukod sa utang na loob kay Mike Arroyo, walang kakayahan si Gutierrez na alamin ang masalimuot na kaso laban sa Pangulo at First Gentleman dahil mahina ang utak nito.  Parehong bumagsak sa Bar exams sina Gutierrez at Mike Arroyo sa kanilang first and second takes.
q q q
Dahil hindi masampahan si GMA ng kasong graft dahil siya nakaupo pa, ang rekomendasyon ng blue ribbon ay mangyayari lamang kapag wala na siya sa puwesto.
Maraming kaso, bukod sa NBN-ZTE deal, ang isasampa kay GMA kapag bumaba na siya ng puwesto.
Naghihintay ang taumbayan sa kanyang sasapitin kapag wala na siya sa puwesto.

Mon Tulfo, Target ni Tulfo
BANDERA, 111209

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending