JUDAY sumusuko lagi sa away nila ni RYAN: Kasi nga madalas ako ang may kasalanan!
AMINADO si Judy Ann Santos na siya ang laging nanunuyo kapag meron silang hindi pagkakaintindihan ng asawang si Ryan Agoncillo.
“Mas madalas kasi na ako ang may kasalanan, so, ako ang nanunuyo. Tahimik lang ako, lutu-luto ‘tapos papansin.
“For some couples kasi nagwo-work ‘yong, ‘Mag-usap na tayo ngayon. Ngayon na mismo, tapusin na natin ‘to.’ Pero sa amin ni Ryan, kung minsan nagwo-work ‘yong huwag na muna kaming mag-usap ng mga isa o dalawang araw.
Minsan umaabot kami ng tatlo o apat na araw,” paliwanag ni Juday na malapit nang mapanood muli sa bagong teleserye ng ABS-CBN at Dreamscape Productions na Huwag Ka Lang Mawawala.
Sey pa ng aktres tungkol sa isyu ng pag-aaway nilang mag-asawa, “Kapag nag-usap kami, ‘yong kalmado na kami, wala kaming masasabing masama sa isa’t isa. Mas payapa ‘yong talk kasi mas nagkakaintindihan kayo, e.
“Unlike parehong mainit ang ulo namin, walang mangyayari sa amin, magkakasakitan lang kami sa salita. Basta sa amin, nagwo-work ‘yong, ‘Kalma muna tayo, tsong, ha. Dito ka, dito ako,’” ang chika pa ni Juday.
Dagdag pa ng leading lady ni Sam Milby sa Huwag Ka Lang Mawawala na mapapanood na sa June 17 sa Primetime Bida, “Kapag may mga issues kami, we make it a point na hangga’t maaari, magkagalit man kami, matutulog kami sa isang kuwarto o sa isang kama. ‘Yon ang talagang napagkasunduan namin.”
Ang mahalaga pa, aniya, kailangan laging bukas ang kanilang communication para maiwasan na lumala ang issue.
Samantala, atat na atat na ang mga fans ni Juday na mapanood ang pagbabalik-serye ng nag-iisang Queen of Pinoy Soap Opera, kaya siguradong hahataw agad sa ratings game ang Huwag Ka Lang Mawawala.
Bukod kay Sam Milby, kasama rin dito sina KC Concepcion na first time ngang magkokontrabida, Tirso Cruz III, Coney Reyes, Susan Africa, John Estrada, Mylene Dizon, Matet de Leon, Empress, Byran Termulo at Joseph Marco sa direksiyon nina Jerry Sineneng at Tots Sanchez-Mariscal.
Sey pa ni Juday tungkol sa kanilang bagong soap, “Matindi ‘yong paniniwala namin na marami kaming mahihikayat na manood ng Huwag Ka Lang Mawawala para lang din mabigyan ng kumpiyansa ang mga kababaihan na hindi dapat ganyan.” (Ervin Santiago)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.