IPAGDIRIWANG ng legendary balladeer na si Basil Valdez ang kanyang ika-40 anibersaryo sa isang espesyal na one-night-only show na “Basil Valdez @ Solaire” sa Abril 29, 8 p.m. sa The Theatre at Solaire.
Special guests ng music icon sina Sharon Cuneta, Ateneo Chamber Singers at ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa musical direction ni Maestro Ryan Cayabyab.
Gumawa ng ilang cover versions ang Megastar ng mga classics ni Basil, isa na rito ang “Ngayon At Kailanman” na naging pamagat din ng kanyang blockbuster movie with Richard Gomez noong dekada 90. Sina Basil at Ryan naman, ay napakahaba na ng pinagsamahan. Noong naging bahagi si Basil ng Circus Band (1972), nakilala niya si Ryan na bahagi naman nuon ng isa pang banda. Nuong ginagawa ni Basil ang kanyang first solo album na “Ngayon At Kailanman”, nagpasulat siya kay Ryan ng ilang mga awitin, na siya namang ginawa ng papasikat pa lamang na kumpositor. Mula nuon, si Ryan na ang naging musical director ni Basil sa halos lahat ng kanyang mga major concerts di lamang sa Pilipinas ngunit sa ibang mga bansa din.
Ilan pa sa OPM classics na pinasikat ni Basil ay ang “Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan,” “Iduyan Mo,” “Hindi Kita Malilimutan,” “Kahit Ika’y Panaginip Lang,” “Let The Pain Remain,” at “You.”
Babalikan ng “Basil Valdez @ Solaire” ang 40 taon ng kamanghamanghang musika ng OPM icon.
Sa produksyon ng NY Entourage Productions, suportado ang “Basil Valdez @ Solaire” ng PAL, Richville Hotel at Petron. Para sa tickets, call lang sa Ticketworld (891-9999) o mag-log on sa www.ticketworld.com.ph.. Pwede ring tumawag sa NY Entourage Productions (552-7473).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.