Lalakas pa ba ang naluluging tindahan? | Bandera

Lalakas pa ba ang naluluging tindahan?

Joseph Greenfield - March 23, 2017 - 01:17 PM

Sulat mula kay Mercy ng Duhat, Bocaue, Bulacan
Dear Sir Greenfield,

Ako po ay matagal ng balo at ng mag-asawa akong muli ay iniwan naman ako ng lalaking napangasawa ko. Sa ngayon ay nabubuhay lang kaming mag-iina sa pamamagitan ng maliit na tindahang naipundar ko sapol pa noong dalaga pa ako. Ang problema sa ngayon ay paubos na ang laman ng tindahan ko at may mga utang pa ako sa kooperatiba. Naisipan kong sumangguni sa inyo una gusto kong malaman kung ano ang masuwerte kong mga numero dahil paminsan- mnsan ay tumataya din ako sa lotto at kung sa palagay nyo may pag asa pa kayang muling lumakas ang tindahan ko tuald dati at kung lalakas pa uli ito sa paanong paraan kaya? At kung sa edad kong 32 makapag-aasawa pa kaya ako? September 23, 1984 ang birthjday ko.
Umaasa,
Mercy ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May sumabay na Guhit ng Lalaki sa iyong Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1.) na tinatawag din nating Career Line hanggang sa ang nasabing guhit ay pumatong at malayang nakisawsaw at nakiisa sa Fate Line (arrow 2.). sa iyong palad. Ibig sabihin sabihin, kung muli kang mag-aasawa, malaki ang pag-asa na muling aasenso at uunlad ang inyong kabuhayan at mas madali mo na ring mabubuhay at mabibigyan ng magandang kinabuaskana ang iyong mga anak.
Cartomancy:
Nine of Hearts, Six of Diamonds at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang mayamang lalaki na maaaring foreigner ang magkaka-gusto sa iyo at siya na rin ang magiging daan, upang muli kang magkaroon ng puhunan sa nalulugi mong tindahan.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending