‘Patok’ driver kailan matotokhang? | Bandera

‘Patok’ driver kailan matotokhang?

Leifbilly Begas - March 22, 2017 - 12:10 AM

MARAMI pa rin daw mga “patok” na pampasaherong jeepney na biyaheng Rodriguez-Cubao na kinatatakutan.

Bumabangking o sa lenguwahe ng mga kabataan ngayon ay “pumapalo” ang mga jeepney na ito. Kahit na wala namang kasabay sa kalsada ay kumakabig ang driver upang sumayaw ang sasakyan.

Malayo pa lang ay alam mo na parating na ang ganitong klase ng jeepney dahil sa lakas ng tugtog na kumakabog sa dibdib.

Duda ng marami, mga adik ang marami sa driver ng mga ganitong klase ng jeepney.

Tanong tuloy ng marami, kailan kaya sila “matotokhang.” (Ang tokhang po ay ang pagkatok sa bahay ng mga adik, ang operasyon laban sa kanila ay double barrel. Pero nasanay na ang tao sa tokhang).

 

Hindi lang naman kailangang iasa sa mga pulis ang lahat para magtagumpay ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Kailangan din nila ang tulong mula sa gobyerno. Paano nga naman sila magsasagawa ng operasyon kung wala silang sasakyan o kung may sasakyan man ay wala naman silang gasolina.

Mayroong mga local government unit na hindi na naghihintay ng maibibigay ng Philippine National Police at sila na ang umaaksyon.

Sa Quezon City ay mapapansin na maraming mga bagong police mobile na ginagamit ang QC Police District.

Pero baka mainggit ang QC sa Dasmarinas City. Sa dami ng nakakalat na CCTV kaya madaling nalalaman ang mga nangyayari sa kalsada.

Sa mga pangunahing kalsada ay may nakakalat na 101 CCTV na naka-online. Marami rin namang CCTV sa QC, pero ang kakaibarito, pwede mapanood sa TV sa mga tahanan ang kuha ng CCTV.

Naka-link sila sa local cable company kaya kung may pupuntahan ka, alam mo kung trapik, kung may aksidenteng nangyari at kung niloloko ka ng kausap mo kung nasaan na siya dahil makikita mo ang kanyang sasakyan kung nasaan talaga siya.

Sa loob ng apat na palapag na city hall ay meron namang 80 CCTV. Kaya alam ni Mayor Pidi Barzaga kung mahaba ang pila sa mga tanggapan sa loob ng city hall.

Ang loob ng selda ay nakukuhanan din ng CCTV kaya madali nilang natutukoy kung may kabalbalang nangyayari sa ob-lo. Remember ang mga kuwento sa Muntinlupa.

Madali rin makipag-ugnayan sa Office of the Mayor kahit na ang mga nasa barangay dahil sa 1,500 handheld radio na binili ng city hall.

Ang kanilang control room ay nasa Pagamutan ng Dasmarinas na hindi aakalaing city-run hospital dahil maayos ang mga facility. Kung kaya ng isang siyudad gaya ng Dasmarinas ang ganito, bakit hindi kaya magawa ng ibang siyudad na hindi hamak na mas malaki ang kinikita?

 

Inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte. Kumbaga sila ang unang nakadugo.

Pero papayag ba naman ang mga kaalyado ni Duterte na ma-impeach ang Pangulo?

Kahit na ang mga kritiko ni Duterte ay naniniwala na wala pang kahihinatnan ang ganitong klaseng kaso.

Masyado pang popular si Duterte para matanggal.

Kung si dating Pangulong Gloria Arroyo, na ngayon ay kongresista ng Pampanga, hindi na-impeach kahit na mababa o nag-negative pa ang popular rating ay hindi natanggal sa Malacanang, si Duterte pa.

Andami tuloy ng nag-aabang ng resulta ng first quarter survey ng Social Weather Station at Pulse Asia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga nagsasabi kasi na bumaba ang rating ni Duterte, ewan lang natin kung totoo ito. Hinatayin na lang natin kung ano ang resulta nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending