‘Probinsyano’ ni Coco tatapusin na; papalitan ng serye nina Robin at Jodi

By Julie Bonifacio March 20,2017
share this

‘Probinsyano’ ni Coco tatapusin na; papalitan ng serye nina Robin at Jodi

By Julie Bonifacio March 20,2017
share this

coco jodi robin

MAUGONG ang balita na magbababu na sa ere ang longest aksyon-serye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

If it’s true, maybe the management feels it’s about time na tapusin na ang programa dahil narating na nito ang rurok ng tagumpay not only for the show but for Coco as well.

A few days bago lumabas ang bali-balitang tatapusin na ang programa ni Coco ay napag-alaman namin na magbabalik teleserye naman ang action star na si Robin Padilla. Hindi kaya ang diumano’y bagong show ni Robin ang ipapalit sa Ang Probinsyano?

Ayon sa aming source, may mga kinakausap na raw na mga artista para gumanap sa iba’t ibang roles para sa bagong programa sa Kapamilya network. Meaning, magbabalik-telebisyon na si Robin after his last stint sa Kapamilya network, ang Game Ng Bayan na natapos noong April, 2016.

Ibig sabihin din nito, mauuna si Robin na maging active ulit sa TV kesa sa kanyang misis na si Mariel Rodriguez na for sure, e, ayaw pang iwan ang kanilang unica hija na si Isabela.

And hold your breath, we heard ang magiging leading lady ni Robin sa bagong show niya sa ABS-CBN ay walang iba kundi ang “lucky charm” ng mga male actor na si Jodi Sta. Maria.

Malay natin, kung anong swerte ang ibinigay niya noon sa ‘di kilalang si Richard Yap at nawala ng ningning na dating action star na si Ian Veneracion, e, maibahagi rin niya sa mister ni Mariel.

Hmmm, mukhang may chemistry naman ang Robin-Jodi tandem sa tingin namin. Oh, well, si Jodi na nga kaya ang muling magpapabalik ng KINANG ng bituin ni Robin sa telebisyon?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending