Si Madam gagawing pinuno ng BSP | Bandera

Si Madam gagawing pinuno ng BSP

Den Macaranas - March 17, 2017 - 12:10 AM

MULA sa Kamara ay gusto ng isang mambabatas na malipat siya ng posisyon sa pamahalaan.

Hindi bilang miyembro ng Gabinete kundi pinuno ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Wala namang kuwestyon sa background ng bida sa ating kwento dahil isa rin siyang ekonomista.

Pinapakinggan rin naman ang kanyang mga say pagdating sa ilang polisiya ng pamahalaan dahil kahit paano ay mataas rin naman ang kanyang kredebilidad.

Pero sinabi ng ating Cricket sa banking sector na may tiyak nang kukuwestyon sakaling hirangin nga sa BSP si Congresswoman.

Kahit na mahusay siyang ekonomista ay wala naman siyang experience sa banking operations.

Idagdag pa rito syempre ang isyu ng pulitika at bata-bata system sa loob ng pamahalaan.

Tiyak na marami ang magugulat sakaling mapagbigyan ang hirit ni Madam dahil marami ang nag-aakala na ang kanyang tunay na target ay ang liderato ng Lower House.

Dumating rin kasi sa punto na ilang beses na inilutang ang kanyang pangalan bilang papalit na House Speaker kay Pantaleon Alvarez.

Sinabi ng ating Cricket na ito ang dahilan kaya naging mainit si Alvarez sa nasabing mambabatas sa nakalipas na mga araw dahil sa ilang balita na ito ang papalit sa kanya bilang lider ng Kamara.

Ang grupo raw kasi ni Congresswoman ang nagsabi na itatalaga si Alvarez bilang Executive Secretary.

Sa dami ng mga balita ngayon pati ang ating mga Crickets sa Kamara ay nalilito na rin sa mga pangyayari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang lady solon na ngayon ay gumagawa ng paraan para ma-appoint bilang pinuno ng BSP ay si Madam A….as in Aray Ko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending