Kalat na: Vice, Anne magkaaway, pati sa gown nagpapatalbugan | Bandera

Kalat na: Vice, Anne magkaaway, pati sa gown nagpapatalbugan

Julie Bonifacio - March 14, 2017 - 12:05 AM

anne curtis at vice ganda

UMIYAK at napaluhod ang magsasaka mula sa Negros Occidental na si Noven Bellaza sa labis na kasiyahan matapos hiranging grand winner sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime last Saturday.

Tinalo ni Noven ang YouTube sensation na si Sam Mangubat mula sa Batangas at ang music teacher na si Froilan Canlas ng Camarines Sur.

Bukod sa grand finalists, pansin ng audience ang kabugan naman sa suot na gowns ng hosts ng It’s Showtime na sina Anne Curtis at Vice Ganda.

Pero ilan sa narinig naming feedbacks ang nagsabi na mukhang pinaglaruan si Vice ng kung sinumang stylist o designer sa isinuot niyang damit. Pang-perya raw ang mga suot ng Unkabogable Star habang napaka-elegante naman ng gowns ni Anne.

May isa pa raw gown na suot si Vice na may mataas na slit mula hita pababa kung saan kitang-kita ang tuhod ng komedyante na maitim tingnan sa TV screen.

Ang siste, nagkatabi at nasabay pa raw sa pagsuot ni Anne ng sequined gown na may mataas ding slit kaya litaw-litaw ang nakakasilaw na legs ng sexy actress.

Gusto na tuloy naming maniwala na baka true ang bali-balita na may “something” between Anne and Vice. May nakapansin daw kasi sa madalas na pagsimangot ni Vice kay Anne on-cam, huh!

Last time ginawa raw ‘yun ni Vice ay may sinabi raw muna siya na “huwag ipilit kung hindi naman talaga pwede”, something to that effect na linya kasunod ang pagngiwi na nakaturo ang nguso sa katabi niyang si Anne.

True kaya ito???

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending