Kuwentas klaras sa gas | Bandera

Kuwentas klaras sa gas

- November 11, 2009 - 04:37 PM

MINAMADALI ng House committee on energy ang amyenda sa oil deregulation act.  Mabuti naman.
Sa amyenda, palalakasin ang kita sa tingi, o ang bentahan sa mismong mga gasolinahan; palalawakin ang poder ng Department of Energy para mapigilan ang pagmamanipula ng presyo ng langis at hindi palaging binibilog ang ulo natin; aalisin sa malalaking kompanya ang kapangyarihan at impluwensiya
na magdikta ng presyo; gagawing pantay ang laban ng small players sa Big 3 nang sa gayon ay bumaba ang presyo sa mga gasolinahan; at higit sa lahat “transparency in the pricing of oil products.”
Ang ibig sabihin ay pati tayo, alam natin kung bakit ganoon ang presyo bawat litro.
Medyo, nakalilito ba?  Hindi ba maintindihan ng magtataho?
Sa Thailand, ginawang simple ang masalimuot.  Malayang nakapagnenegosyo ang ibig magnegosyo sa langis.  Pero, bantay-sarado sila.  Araw-araw ay may sugo ng gobyerno para kuwentahin ang kanilang transaksyon.  Araw-araw ay nasisilip ang kanilang libro.
Sa Pilipinas, walang kuwentas klaras, hindi rin binubuksan ang libro.

BANDERA Editorial, 111109

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending