Bashers kay Ate Guy: Nagyon pa naging choosy, e lahat ng pelikula niya semplang! | Bandera

Bashers kay Ate Guy: Nagyon pa naging choosy, e lahat ng pelikula niya semplang!

Cristy Fermin |March 13,2017
facebook
share this

Bashers kay Ate Guy: Nagyon pa naging choosy, e lahat ng pelikula niya semplang!

Cristy Fermin - March 13, 2017 - 12:05 AM

nora aunor at vice ganda

NAGING  paksa ng kuwentuhan sa isang umpukan ang ginawang pagtanggi ni Nora Aunor para maging hurado sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime sa grand finals.

Kung tutuusin ay wala naman sa listahan si Nora dahil kumpleto na ang grupo, magagaling na singers at performers ang huhusga sa mga kalahok, kaya lang ay may nagkaroon ng ideya na makasama rin sana si Nora Aunor dahil naging champion siya ng patimpalak nu’ng dekada sitenta.

Pero tumanggi ang Superstar, hindi raw niya kayang tanggapin ang mga ginagawang panglalait sa kanya ng main host ng noontime show, si Vice Ganda, na para lang makapagpatawa ay kayang gawing laruan ang maraming artista sa himpapawid.

Dalawang punto ang pinagkatapusan ng kuwentuhan sa umpukan. Una, isang malaking leksiyon para kay Vice Ganda ang ikinatwiran ni Nora, hindi lahat ng personalidad ay makakayang sakyan ang mga pagkokomendya nito.

Ikalawa, sa mga panahong ito ay hindi na raw dapat ganyan kabalat-sibuyas si Nora Aunor, kailangang marunong siyang makisabay sa panahon, lalo na’t hindi na siya ang Superstar na dinadambana nu’n ng ating mga kababayan.

Sabi pa ng isang miron sa umpukan, “Ngayon pa ba naman siya magiging choosy? Ngayon pa ba? E, lahat nga ng gawin niyang pelikula, e, semplang sa takilya?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending