DepEd-15-anyos pwede mag-summer job | Bandera

DepEd-15-anyos pwede mag-summer job

Leifbilly Begas - March 08, 2017 - 05:01 PM

DepEd

DepEd

Ibinaba ng Department of Education ang minimum age requirement ng mga estudyante na nais na mag-summer job ngayong bakasyon.

    Sa isang press statement, sinabi ni Dr. Juan Araojo, officer-in-charge ng Youth Formation Division, na papayagan ang mga 15-anyos pataas na sumali sa Special Program for the Employment of Students ngayong taon.     “This is to accommodate those students who are in Senior High School,” ani Araojo.     Noong nakaraang taon, ang mga maaari lamang sumali ay 18-anyos.     Ang mga SPES trainee ay bibigyan ng trabaho sa loob ng 40 araw. Magsisimula ang pagtanggap ng mga aplikante hanggang sa Marso 27.     Bukod sa edad, kailangan ay naka-enroll sa kasalukuyan ang aplikante at mayroong intensyon na magpatuloy sa pag-aaral, ang kita ng mga magulang ay hindi dapat lumagpas sa P143,000 kada taon, pasado ngayong school year at marunong gumamit ng computer.       Ang mga aplikante ay kailangang magsumite ng SPES application form, birth certificate, kopya ng Income Tax Return ng magulang o Certificate of Indigence/Certificate of Low Income mula sa barangay.     Maaaring isumite ang aplikasyon at requirement sa Office of the Youth Formation Division, 3rd Floor, Mabini Building, DepEd Central Office, Meralco Ave., Pasig City.       Pinapayagan din na ipa-scan ang mga dokumento at i-email sa [email protected].
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending