KINUMPIRMA ng Palasyo na tinangkang suhulan si Pangulong Duterte bagamat hindi pinangalanan ang mga mambabatas mula sa Mindanao na nagsilbing bagman ng isang kompanya ng sigarilyo.
Sinabi ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na mismong si Duterte ang nag-utos na kasuhan ng economic sabotage ang may-ari ng Mighty Corp. na si Alex Wongchuking.
“He was ordered arrested by the President because of economic sabotage. Marami siyang ginagawa saka panapangangalandakan niyang nabibili niya lahat ng opisyales dito sa ating bansa eh,” sabi ni Panelo.
Idinagdag ni Panelo na iniwan ang isang package para kay Duterte.
“Akala niya alak yung binigay pero noong binuksan ni Bong Go, Special Assistant to the President, nakita niya pera. Kaya pinahabol niya, pinasoli niya, naabutan niya sa eroplano,” ayon pa kay Panelo.
Sa isang press briefing sa Malacanang, hindi naman direktang tinukoy ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang mga umano’y nagsilbing bagman na mga mambabatas mula sa Mindanao.
“Actually that’s really a matter of Cabinet conversation. However, since you have brought it out, he simply was saying… He was not berating Mindanao politicians. He was simply saying that in time past, there was a certain attempt to influence him financially,” sabi ni Abella.
Ito’y matapos kumalat ang ulat na bulto-bultong pera ang tinangkang ibigay kay Duterte.
Tumanggi nang magbigay ng detalye si Abella hinggil sa kontrobersiya.
“I think that should be better kept.
No, because he was not making a public statement, right? It was being discussed within the Cabinet. So let’s let the natural processes of…Let’s let due process take its…Let’s just say let’s watch the DOJ go ahead,” ayon pa kay Abella.
Idinagdag ni Abella na hintayin na lamang ang susunod na mangyayari matapos ang ulat na nakatakdang pagsuko ni Wongchuking sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon pa kay Abella, dapat antayin na lamang si Duterte na magbigay ng pahayag kaugnay ng tangkang panunuhol sa kanya.
“Simply because he has not commented on it publicly. If he feels, if he feels he should then he will, okay,” ayon pa kay Abella.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending