Ginto sa 2020 Olympics tinututukan ng ABAP | Bandera

Ginto sa 2020 Olympics tinututukan ng ABAP

Angelito Oredo - March 06, 2017 - 10:11 PM

PAGTUTUUNAN ng bagong  liderato ng Association of Boxing Alliances in the Philippines, Inc. (ABAP) ang misyong makuha ang pinakaunang gintong medalya ng Pilipinas sa kada apat na taong Olimpiada.

Ito ang sinabi ni PLDT executive Ricky Vargas na nahalal muli bilang presidente ng asosasyon matapos ang eleksyon na ginanap Sabado sa Microtel by Wyndham-MOA sa Pasay City na dinaluhan din nina Philippine Olympic Committee (POC) secretary-general Steve Hontiveros bilang observer at PSC commissioner Ramon Fernandez.

Ipinahayag ni Vargas ang pagnanais ng ABAP na tuluyang matighaw ang pagkauhaw ng bansa sa matagal nang pinakaaasam na kauna-unahang gintong medalya sa Olympic Games.

Kasama ni Vargas na itinalaga sa ikatlong termino ang sports/businessman Manny V. Pangilinan bilang chairman.

Pangungunahan ng dalawang mataas na opisyales ng MVP Group ang mga inihalal na sina Rep. Raul Daza ng Northern Samar bilang vice-chairman at John Patrick Gregorio ng Maynilad bilang vice-president.
Itinalaga naman ni Vargas si Atty. Oscar P. Moreno Jr. ng Cagayan de Oro City bilang treasurer, si Atty. Leonardo Aguilar Jr. bilang corporate secretary at dating executive-director Ed Picson bilang secretary-general matapos ang ginanap na eleksyon.

Kabilang sa miyembro ng Board of Trustees sina Region I – Atty. Liberato Reyna, Region III – Vice-Gov. Jose Gay Padiernos, CAR – Reinaldo Bautista, NCR –  Jose Jorge Vargas, Region IV-A – Venerando Rea, Region IV –B -Roger Castro, Region VI – Angel Verdeflor, Region VII – Lorenzo Sy, Region VIII – Rep. Daza, Region IX – Dr. Cecilia Atilano, Region X – Atty. Oscar Moreno Jr., CARAGA – Mr. Freddie Dacera, AFP – Col. Ruben Candelario, MVPSF – Manny V. Pangilinan, PLDT – Ricky Vargas at Maynilad – Patrick Gregorio.

“Together with the other members of our board, we will initiate more local tournaments in the countryside. Our referees, judges and coaches will continue to have more opportunities for advancement,” sabi ni Vargas na nakatuon sa paghahanda ng national boxing team sa ibat-ibang international competitions kabilang ang 2020 Tokyo Olympic Games at mga proyekto ng ABAP sa grassroots development.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending