Gusto ng makaahon sa kahirapan (2)
Sulat mula kay Sophia ng Pahinga, Candelaria, Quezon
Problema:
1. Mahirap lang po ang buhay naming sa probinsiya. Pito kaming magkakapatid at ako ang panganay na puro kami hindi nakatapos ng pag-aaral. Kaya ng may nanligaw sa akin nag-asawa na lang ako agad, pero imbes na guminhawa ang buhay, mahirap din ang buhay ng napangasawa kong lalaki at masiba pa sa alak. Sa ngayon namamasukan akong katulong upang buhayin ang walo naming mga anak.
2. Gusto ko nang makaalis sa kahirapan at pangarap ko rin maiahon sa kahirapan ang aming mga anak. Sa ganitong kalagayan ng aming buhay may pa-asa pa kayang umasenso at makaahon man lang sana kami sa kahirapan. Ja-nuary 8, 1972 ang birthday ko.
Umaasa,
Sophia Quezon Province
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing kapag nagkaroon ka ng pagkakataong makapag-negosyo, isa alang-alang ang produktong butil, bigas at grocery. Sa nasabing kalakal ka makakaahon sa kahirapan hanggang sa tuluyan ng yumaman.
Numerology:
Ang birth date mong 8 ay nagsaabing habang tumataba ka at bumibilog ang iyong panga-ngatawan, ito ay indikas-yong paunlad na ng paunlad ang inyong kabuhayan. Habang mapalad mo namang kuning tauhan o tindera sa itatayo mong negsoyo silang may mga birth date na 5, 14 at 23.
Graphology:
Hindi tama ang iyong lagda na sobrang haba at naburara. Sa halip, ang ideal na pirma ay initial lang ng iyong pangalan at middle name at idugtong mo sa nasabing dalawang initial ang iyong apelyido ng hindi na binababoy o binubura. Sa ganyang pirma, mabilis nang uunlad ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan ng yumaman.
Huling payo at paalala:
Sophia kung pagkakatulong lang ang i-kinabubuhay mo sa ngayon, malabo nga kayong makakaahon sa kahirapan. Ang dapat, kaila-ngang makapagsimula ka ng maliit na negosyong may kaugnayan sa grocery at mga butil at ito ay kusa namang mangyayari ayon sa iyong kapalaran sa taon ding ito ng 2017 sa tulong ng mag-asawang isinilang sa buwan ng Mayo at Setyembre. Tulad ng nasabi na, sa pama-magitan ng pagnenegosyo, tuloy-tuloy nang uunlad ang in-yong kabuhayan, makakaahon na kayo sa kahirapan, hanggang sa tuluyan ka ng yumaman na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2025 sa edad mong 53 pataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.