Sofia Andres ayaw pang magpaseksi: Mga 5 years pa po!
SA edad na 18 ay hindi pa handang magpa-sexy si Sofia Andres, ito ang sabi niya sa grand presscon ng pelikula niyang “Pwera Usog”.
Sabi ng dalaga ay limang taon pa ang hihintayin niya bago siya tuluyang magpakita ng skin sa kanyang future projects.
Nag-post kasi ng sexy pictures si Sofia sa kanyang Instagram account kaya tinanong siya ng entertainment press kung paghahanda na ba ito sa susunod niyang proyekto.
Pero kaagad niya itong itinanggi, “Para lang po iyon sa magazine (pictorial), so hanggang doon lang po muna ang kaya kong ipakita, hindi pa po ready sa onscreen.”
Kilala ang Regal Films sa pagpo-produce ng sexy films na talagang blockbuster noon tulad ng mga pelikula ng mga sumikat na Regal Babies like Dina Bonnevie, Aiko Melendez, Snooky Serna at marami pang iba.
Sa nasabing movie outfit din nagsimula ang pagsusuot ng “magic kamison” kaya tinanong si Sofia kung puwede na ba siyang magsuot nito ngayon.
“Siguro po, konti lang (ipapakita), hindi masyadong revealing! Ha-hahaha! Kahit shorts and sando po, huwag namang ipakita ‘yung cleavage, nakakailang pa po (magsuot ng kamison at bakat ang katawan) siguro mga ilang years pa po, mga five years pa po,” natatawang pahayag ng aktres.
Biglang sabi pa ng dalaga, “Bagay po ba akong magpa-sexy na? Mas sisikat po ba ako do’n?”
Anyway, nagpapasalamat naman si Sofia sa mga blessings na dumarating sa kanya, “Masaya po ako kapag nabibigyan ako ng project, nagpapasalamat po ako sa mga kumukuha sa akin bilang artista nila sa isang movie or teleserye, though hinihintay ko pa rin po ‘yung time ko. Patience lang po talaga and hardwork sa bawa’t ginagawa sa projects ko.”
Aminado naman ang direktor ng “Pwera Usog” na si Jason Paul Laxamana na sisikat si Sofia dahil nakitaan niya ito ng lalim sa pag-arte at dedikasyon sa trabaho. Ang maganda rin daw sa dalaga ay wala itong arte at reklamo pagdating sa trabaho.
Mapapanood na ang “Pwera Usog” sa Marso 8 mula sa Regal Entertainment. Kasama rin dito sina Albie Casino, Joseph Marco at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.