NU babawi vs FEU sa UAAP women’s volleyball | Bandera

NU babawi vs FEU sa UAAP women’s volleyball

Angelito Oredo - February 25, 2017 - 12:06 AM

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. UST vs Adamson (men)
10 a.m. FEU vs NU (men)
2 p.m. UST vs Adamson (women)
4 p.m. FEU vs NU (women)
Team Standings: Men’s Division: Ateneo  (5-0); FEU (3-1); NU (3-1); UP (3-1); UST (2-2); Adamson (1-4); DLSU (1-4); UE (0-5)
Women’s Division: UP (4-0); DLSU (4-1); Ateneo (4-1); NU (3-1); FEU (2-2); UST (1-3): UE (0-5); Adamson (0-5)

MAKABAWI sa nalasap na unang kabiguan ang asam ng National University Lady Bulldogs sa pagsagupa nito sa Far Eastern University Lady Tamaraws sa tampok na laro sa eliminasyon ng UAAP Season 79 volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Una munang magsasagupa ang University of Santo Tomas Tigers (2-2) at Adamson University Falcons (1-4) sa ganap na alas-8 ng umaga bago sundan ng salpukan ng kapwa nasa ikalawang puwesto na FEU Tamaraws at NU Bulldogs na bitbit ang 3-1 panalo-talong kartada.

Ikalawang panalo naman ang asam ng UST Tigresses na bitbit ang 1-3 panalo-talong kartada matapos na huling mabigo sa nananatiling walang talo na University of the Philippines Lady Maroons, 1-3, sa mga iskor na 22-25, 22-25, 31-29, 19-25.

Pilit naman pipigilan ng Lady Falcons ang limang sunod na kabiguan na huli nitong nalasap sa nagtatanggol na kampeong De La Salle University, 12-25, 16-25, 15-25.

Galing naman sa ikalawang panalo ang FEU Lady Tamaraws matapos nitong palasapin ng ikalimang sunod na kabiguan ang University of the East Lady Warriors, 3-1, sa mga iskor na 25-18, 25-22, 25-27, 25-11.

Matapos ang tatlong sunod na panalo ay nalasap ng NU Lady Bulldogs ang unang pagkatalo sa kamay ng nagtatanggol na kampeong DLSU Lady Spikers, 27-29, 16-25, 21-25, upang magkasya sa ikaapat na puwesto sa bitbit na 3-1 kartada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending