Pia no. 1 fan ni Liza; hindi pa sure kung babalik pa sa pag-aartista | Bandera

Pia no. 1 fan ni Liza; hindi pa sure kung babalik pa sa pag-aartista

Ervin Santiago |February 24,2017
facebook
share this

Pia no. 1 fan ni Liza; hindi pa sure kung babalik pa sa pag-aartista

Ervin Santiago - February 24, 2017 - 01:15 AM

LIZA SOBERANO AT PIA WURTZBACH

LIZA SOBERANO AT PIA WURTZBACH

LABS na labs ng LizQuen fans si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Very open kasi ang Pinay beauty queen na isa siyang certified supporter ni Liza Soberano.

Sa nakaraang #AskPia Twitter party game na game na sinagot ng dalaga ang ilan sa mga tanong kanyang followers, kabilang na ang ilang personal questions.

May nagtanong sa dalaga kung nagdyo-join din ba siya sa mga “fandoms” (grupo ng mga fans na sumusuporta sa sikat na celebrities or loveteams), sagot ni Pia, “Yes. I love all of them but I especially love Liza (Soberano). Yun na.”

Siyempre, tuwang-tuwa ang mga tagasuporta ni Liza pati na rin ni Enrique Gil kaya todo ang pagpapasalamat ng mga ito kay Pia. Imagine nga naman, isang international beauty queen ang aminadong number one fan ng kanilang idolo.

Isa rin si Pia sa mga naniniwala na pwedeng-pwedeng maging Miss U si Liza kung sakaling sumali ito sa Binibining Pilipinas na sinegundahan din ng ilan pang sikat na celebrities. In fairness, talaga namang malaki ang laban ng dalaga sa mga beauty pageants dahil sa kanyang angking ganda at talino.

Samantala, isa pang follower ni Pia ang nagtanong kung may balak ba siyang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career sa Pilipinas ngayong naipasa na niya ang Miss Universe crown.

Tugon ng dalaga, “Hmmmm we’ll see. Although I feel like I’d be more effective being myself than playing a role.”

Speaking of Pia, nabasa rin namin ang palitan ng mensahe ng kanyang boyfriend na si Filipino-Swiss car racer na si Marlon Stockinger at ng isang netizen sa social media.

Tinanong si Marlon kung open ba siya sa pagsali sa mga male international beauty pageants tulad ng Mr. Universe. Maraming naaliw sa naging sagot ng binata.

Anito, “I already hold the Mr. Universe title!”

Nito lang nakaraang January kinumpirma nina Marlon at Pia ang kanilang “in a relationship” status na ikinakilig ng kanilang supporters.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kanilang Instagram accounts, makikita ang mga sweet photos ng magdyowa na karamihan ay kuha sa mga beach resort na pinupuntahan nila together.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending