‘Naniniwala ka ba sa usog o balis?’
SENTRO ang pamahiing Pinoy na usog o balis sa kuwento ng bagong Regal movie na “Pwera Usog” mula sa writer-director na si Jason Paul Laxamana.
Komo millennial artists, natanong sina Albie Casino, Sofia Andres, Joseph Marco, Devon Seron, Kiko Estrada at Cherise Castro kung naniniwala sila sa pamahiin at kung naranasan na nila ito.
“Ako, hindi ko pa nararanasang mausog kaya hindi ko pa alam ang experience,” sabi ni Albie.
“I’ve never experienced it pero naniniwala ako,” sey naman ng Regal baby na si Cherise.
“Ako personally, hindi pa. Pero nu’ng elementary ako, sabi ng mama ako, madalas daw akong mag-absent kasi nauusog ako. For me that’s something very painful or uncomfortable,” tugon naman ni Kiko.
“Naranasan ko nang mausog nu’ng baby pa ako. Nagtanong kasi ako sa Mommy ko. Seryoso ito. Sinabi ko sa Mommy ko na ang gagawin ko ‘Pwera Usog.’
“May family friend sila at ayon sa mom ko, ngawngaw daw ako nang ngawngaw for hours. Siguro napasahan ako ng negative energy,” sagot naman ni Joseph.
Si Sofia naman na umaming may kakayahang makakita ng multo, “Hindi ko pa na-experience pero ‘yung friends ko talaga na naka-experience, nagsusuka talaga. Hindi makatulog. Masakit ang ulo. Nilalagnat. Totoo po ‘yon.
“Nu’ng bata pa ako, nagbabakasyon ako sa Batangas. So sikat doon ang usug-usog, ‘yung lolo at lola ko, sinasabi, ‘Wag kang lalabas-labas, baka mausog ka.
“Uso talaga ‘yung nilalawayan sa noo. Kasi na-experience ko nang lawayan ang noo ko nu’ng bata ako! Ha! Ha! Ha!” kuwento naman ni Sofia.
Elementary naman si Devon nang ma-usog. Naalala niyang nilalawayan din siya. “May dahon na nginunguya noong nasa Cebu pa ako. Ang term namin sa Cebu ay buyag,” sey naman ni Devon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.