Eula pababagsakin ang mga Sang’gre sa Encantadia | Bandera

Eula pababagsakin ang mga Sang’gre sa Encantadia

Ervin Santiago - February 24, 2017 - 12:25 AM

GLAIZA DE CASTRO AT EULA VALDEZ

GLAIZA DE CASTRO AT EULA VALDEZ

ANOTHER challenge is coming. Mukhang mapapalitan ng mainit na fight scenes ang malamig na journey ni Eula Valdes sa US recently. Yes, pasok na ang award-winning actress fantaserye ng GMA na Encantadia. She will play Avria, ang gumamit sa katawan ni Cassiopeia (Solenn Heussaff) para makuha ang mga brilyante.

At kahit nagawa naman ni Cassiopeia na kalabanin si Avria sa Spiritual Realm para pigilan ang kaniyang katawan na kunin pa ang ibang brilyante, nakuha pa rin niya ang brilyante ng diwa at gagamitin ito upang buhayin ang kanyang katawan. At ito na ang magsisilbing pagbangon muli ni Avria.
Ang karakter na ito na bibigyang-buhay ng seasoned actress na si Eula ay isang walang pusong lider at kinatatakutan ng kaniyang mga nasasakupan. Siya ang huling reyna ng Etheria bago ito bumagsak sa pagtutulungan ng Lireo, Sapiro, Hathoria at Adamya.

Sa pagbangon muli ni Avria, asahang mas matindi ang gagawin niyang paghahasik ng lagim sa Encantadia na siguradong magpapahirap na naman sa mga Sang’gre? Tutukan gabi-gabi ang number one Kapuso primetime series pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Inspiring ang sinabi ng versatile Kapuso actress na si Glaiza de Castro nang i-renew niya ang kanyang kontrata sa GMA dahil pinakikita niya kung gaano niya pinahahalagahan ang relasyong meron siya sa istasyon.
Aniya, malaki ang naging papel ng GMA sa paghubog sa kanya hindi lang bilang isang artista kundi pati na rin bilang isang tao, “More than 10 years na ako with GMA at masasabi ko na hindi ako nagkamali talaga ng decision to stick with GMA kasi dito ako nag-grow as an actor and as a person.”

True enough, nakita nga namin ang development niya through time. Pinatutunayan ito ni Glaiza sa pagganap niya bilang Sang’gre Pirena sa top-rating Kapuso series na Encantadia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending