2 sugatan matapos ang 4.6 magnitude na lindol sa Davao
DALAWA ang sugatan nang gumuho ang isang lumang waiting shed sa Davao City matapos maramdaman ang 4.6 magnitude na lindol sa lungsod.
Ayon sa ulat, nabagsakan ang dalawang biktima ng gumuhong waiting shed sa kahabaan ng Quirino Ave.
Bukod sa Davao City, naramdaman ang lindol sa Compostela Valley at Davao del Norte, Tagum City, at Panabo City.
Matatandaang tumama ang 6.7 magnitude na lindol sa Caraga regon, kung saan labis na napinsala ang Surigao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending