Jaclyn Jose: Dapat nararamdaman natin ang feeling ng kapwa natin mga babae!  | Bandera

Jaclyn Jose: Dapat nararamdaman natin ang feeling ng kapwa natin mga babae! 

- February 23, 2017 - 12:30 AM
jaclyn jose DALAWANG gabi na lang mapapanood ang paborito n’yong adventure-action series na Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad after Encantadia na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang si Pepe. Ayon sa award-winning actress na si Jacyn Jose na gumaganap na nanay ni Dingdong sa teleserye bilang si Judy de Jesus, umaasa siya na hindi ito ang huling proyektong pagsasamahan nila ng Kapuso Primetime King dahil talagang nag-enjoy siyang gawin ang ARH. Kahit daw medyo mabigat ang role niya sa programa ay magaan naman lagi ang atmosphere sa kanilang set. Nang tanungin naman si Jaclyn kung Team Sarri (Megan Young) o Team Venus (Andrea Torres) sa nasabing top-rating GMA series, kitang-kita na nahirapan itong sumagot. Pabirong sabi ng veteran actress, “Huwag na nga kayong tumi-Team Sarri at Team Venus diyan, babae rin tayo, dapat nararamdaman natin ang napi-feel ng kapwa natin babae!” At dahil dalawang gabi na lang mapapanood ang serye na talagang inaabangan ng mga Kapuso viewers gabi-gabi, huwag na huwag n’yo raw itong palalampasin dahil tinodo na nila ang lahat ng effort sa mga natitirang episode. “Maganda talaga ang Alyas Robin Hood, lalo na ang finale namin, maraming pasabog!” buong pagmamalaking sabi pa ng award-winning actress. q q q Sa pagpapatuloy naman ng Kapuso fantasy series na Encantadia pagkatapos ng 24 Oras, nabawi na ni Ether ang brilyante ng diwa kay Andora. Matapos mapatunayan na nagsasabi ng totoo si Cassiopeia, kinabahan ang mga Sang’gre sa babala nito tungkol sa paggamit ni Avria sa brilyante ng diwa. Nakapasa rin si Cassiopeia sa mga pagsubok ngunit may misyon pa ito sa Encantadia bago maging ganap na bathaluman, kasabay nito, ibinalita rin niya na kasama na nina Andora, Avria, at Asval sina Amarro at Lila Sari na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Ether. Ano kaya ang mangyayari matapos mapagkasunduan nina Pirena, Danaya at iba pang miyembro ng konseho na sumugod na sa Etheria para wasakin ang bahay himlayan ni Avria bago pa ito isilang muli. Inihanda na ni Ether ang kanyang hukbo para sa paglusob ng mga kalaban, binigyan na rin niya ng sapat na lakas si Avria para mapadali ang pag-lakas nito.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending