Erich, Daniel nagkabalikan na raw; niloko ang fans? | Bandera

Erich, Daniel nagkabalikan na raw; niloko ang fans?

Ambet Nabus |February 22,2017
facebook
share this

Erich, Daniel nagkabalikan na raw; niloko ang fans?

Ambet Nabus - February 22, 2017 - 12:10 AM

erich gonzales

GRABE naman ang balitang nagkabalikan na raw agad-agad sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Hindi naman sa kontra kami sa part two ng kanilang love story ha, pero parang nakakairita lang kung totoo nga ang tsismis dahil ang feeling ko at ng ilan netizens, niloko lang nila tayo! Ha-hahaha!

Nagkasama sa isang show sina Erich at Daniel sa US at base sa mga litratong kumalat sa social media na kuha roon, sweet na sweet daw ang dalawa kaya ang paniwala ng kanilang mga fans, nagkabalikan na sila.

Pero kung totoo man ang tsismis, sasabihin naming nababawan kami sa kanilang mga personalidad at emosyon. Parang isang malaking kalokohan at kabaliwan lang ang kanilang break-up.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending