Baby ni Rufa Mae sinuplayan ng breastmilk ni Mariel | Bandera

Baby ni Rufa Mae sinuplayan ng breastmilk ni Mariel

|February 22,2017
facebook
share this

Baby ni Rufa Mae sinuplayan ng breastmilk ni Mariel

- February 22, 2017 - 12:30 AM

rufa mae quinto

TODO ang pasalamat ni Rufa Mae Quinto kay Mariel Rodriguez dahil sa ibinigay nitong breast milk para sa kanyang panganay na anak na si Baby Alexandria.

Last Friday, nanganak ang komedyana sa first baby nila ni Trevor Magallanes ngunit mukhang kinulang siya ng gatas ng ina.

Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Rufa Mae sa misis ni Robin Padilla, “Thanks @marieltpadilla for giving and sharing @alexandriamagallanes your milk kagabi, naka-survive baby ko hanggang kanina, sakto lumabas ang milk ko, di na magugutom anak ko.”

Nag-thank you din si Rufa Mae kay Binoe matapos nitong i-post ang isang video tungkol sa mga breastfeeding mommy na nagdo-donate ng gatas sa mga bagong panganak na nanay na kinukulang sa supply ng breast milk.

Nilagyan pa ni Robin ng caption ang nasabing video ng, “Nanganak si Rufa Mae, wala pang breast milk. Saklolo si Mariel. Nagpadala ng gatas at nursing system kaya’t busog na nakatulog si Alexandria.”

Bukod dito, nag-post din ng throwback video si Robin kung saan nagpasalamat siya sa anak ni Manny Villar na si Camille Villar sa pagtulong kay Mariel noong ang misis naman niya ang nagkulang sa gatas ng ina. Sey nito sa caption, “Kulang sa breast milk. Saklolo si Camille Villar. Nagpadala ng pangmalakasan na pump. Tagumpay ang supply.”

Tinawag pa ni Binoe sina Rufa Mae, Mariel at Camille na mga “tunay na magkakaibigan” at “breast friends.” Naging close ang tatlo nang maging co-host sila ni noon Willie Revillame sa WilTime Bigtime ng TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending