West wagi kontra East sa 2017 NBA All-Star, 192-182 | Bandera

West wagi kontra East sa 2017 NBA All-Star, 192-182

Dennis Christian Hilanga - February 20, 2017 - 03:49 PM

anthony davis

Umiskor si Anthony Davis ng NBA All-Star Game record na 52 puntos upang bitbitin ang Western Conference tungo sa 192-182 panalo laban sa  Eastern Conference ng 2017 All-Star Game Linggo ng gabi (Lunes ng umaga sa Pilipinas) sa New Orleans, USA.

Naungusan ni Davis ang dating 42-point game ni legend Wilt Chamberlain noong 1962 upang tanghaling Most Valuable Player at maging unang manlalaro kasunod ni Kobe Bryant noong 2011 na masungkit ang MVP trophy sa homecourt. Pumukol ang 23-anyos na Pelicans power forward at dating number one overall pick ng 26/39 mula sa field at nagbuhos ng 20 puntos sa fourth quarter kung saan karamihan dito ay galing sa ‘dunk show’. Ito ang ikatlong sunod na panalo ng West mula 2015 at ika-29 (37 talo) sa kabuuan sa loob ng 66 na edisyon ng taunang okasyon. Mayroon namang 41 puntos si Russell Westbrook, limang rebounds at pitong assists sa 19 minutong paglalaro na bigong maangkin ang ikatlong sunod na MVP award habang ang dating kakampi sa Oklahoma City na si Kevin Durant ay nagtala ng triple-double na 21 puntos, 10 rebounds at 10 assists. Tila sandaling napawi ang iringan ng dalawa nang sabay silang ipasok ni Coach Steve Kerr kung saan naging isa sa mga highlight ng laban ang lob pass ni Durant kay Westbrook para sa isang slam dunk na nagdulot ng hiyawan sa loob ng Smoothie King Center. Nanguna naman para sa East si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo na may 30 puntos, kung saan 24 dito ay mula sa 12 dunks na kanyang ginawa. Si Lebron James ay may 23 puntos kabilang ang halfcourt shot upang maging unang manlalaro na umiskor ng 300 puntos sa All-Star career habang naglista ng double-double ang kanyang Cavaliers teammate na si Kyrie Irving na may 22 puntos at 14 assists. Siyam na manlalaro mula sa East ang umiskor ng double digits habang pito naman ang sa West upang pormal na wakasan ang main event ng All-Star weekend. Samantala, wagi rin sa mga sinalihang event sina Kristaps Porzingis ng New York Knicks (Skills Challenge), Houston Rockets guard Eric Gordon (Three-Point Contest ) at Glenn Robinson III ng Indiana Pacers habang nakabawi ang Team World kontra Team USA sa Rising Stars Challenge, 150-141. Sa Los Angeles gaganapin ang 2018 All-Star Game.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending