Ginebra humirit ng winner-take-all game 7 | Bandera

Ginebra humirit ng winner-take-all game 7

Dennis Christian Hilanga - February 19, 2017 - 10:58 PM

PBA/February 19,2017 Sol Mercado of Ginebra is surrounded by Marc Pingris , Jio Jalalon , Alain Maliksi and Ian Sangalang of Star Hotshots , at the Smart Araneta . INQUIRER PHOTO/AUGUST DELA CRUZ

PBA/February 19,2017
Sol Mercado of Ginebra is surrounded by Marc Pingris , Jio Jalalon , Alain Maliksi and Ian Sangalang of Star Hotshots , at the Smart Araneta .
INQUIRER PHOTO/AUGUST DELA CRUZ

IGINIYA ni Sol Mercado ang Barangay Ginebra tungo sa krusyal na 91-67 panalo kontra Star upang mapanatili ang hangaring makatuntong sa finals ng 2017 PBA Philippine Cup sa game 6 ng kanilang best-of-seven semifinals series Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumipa si Mercado ng season-best 21 puntos kasama ang limang rebounds at isang steal upang itabla ang serye sa 3-3 at makapwersa ng winner-take-all game 7 na mangyayari sa Martes sa Mall of Asia Arena.

Nagtulong si Mercado at Jervy Cruz sa fourth quarter na naghulog ng mahahalagang tira kung saan nanalasa ang Gin Kings para supilin ang tangka ng Hotshots na tapusin na ang serye.

Nakuha ng Ginebra ang 69-57 abante mula sa jumper ni Cruz mahigit walong minuto pa ang nalalabi sa laban bago bumomba si Mercado ng 12 sunod na puntos para pamagain pa lalo ang lamang sa 21 , 83-62,  sa huling 3:24 minuto na tuluyang nagpasuko sa Star.

Nagdagdag ng 19 na puntos si LA Tenorio at ginawa ni Joe Devance ang lahat ng 14 na puntos sa third quarter na nanguna para sa isang 10-2 run para kumawala sa 52-all pagkakatabla at kunin ang 62-54 kalamangan sa pagtatapos ng yugto. Tumipa naman ng tig-11 puntos sina Cruz at  Japeth Aguilar para sa Ginebra.

Tanging sina Marc Pingris at Mark Barroca ang umiskor ng double digits para sa Star sa itinalang 14 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod habang nalimitahan sa walo at apat na puntos sina Paul Lee at Rafi Reavis na siyang susi sa panalo ng koponan noong Game 5.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending