TINIYAK ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na patuloy niyang iaapela ang kaligtasan ng mga bihag ng Abu Sayyaf sa harap ng banta ng teroristang grupo na pupugutan ang German national.
“I will never stop appealing to the captors to spare the lives of those innocent victims for the sake of their families and loved ones,” sabi ni Dureza.
Ito’y matapos lumabas ang dalawang minutong video kung saan nagmamakaawa ang German na si Jürgen Kampner sa gobyerno na ikonsidera ang pagbibigay ng ransom sa harap ng banta ng Abu Sayyaf na siya ay pupugutan sa loob ng dalawang linggo.
“The pirates, they are giving me a last chance, that they get the P30 million. And I want to say that the execution shall take place on the 26th at 3 in the afternoon,” sabi ni Kampner sa video.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.