De Lima nakaempake na sa harap ng inaasahang warrant of arrest | Bandera

De Lima nakaempake na sa harap ng inaasahang warrant of arrest

- February 14, 2017 - 03:50 PM

de-lima-0323-660x371

SINABI ni Sen. Leila de Lima na nakaempake na ang kanyang mga damit sa isang bag sakaling isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay umano ng pagkakasangkot sa iligal na droga.

“Pina-prepare ko na po yun. Magdadala lang muna ako ng isa lang muna na luggage,” sabi ni de Lima.
Ito’y matapos napaulat na aarestuhin si de Lima anumang oras.
“Yung pantulog at pang bihis na araw-araw sa detention center kung saan man ako. Mga comfortable clothes, casual shirts, pants,” dagdag ni de Lima.
Idinagdag ni de Lima na naghanda rin siya ng mga libro kung saan magkakaroon siya ng oras na magbasa sakaling matuloy ang nakatakdang pag-aresto sa kanyang ngayong linggo.
Sinabi pa ni de Lima na pinulong na rin niya ang kanyang pamilya para ihanda sa nakatakda niyang pagkakapiit.
“I told them it’s imminent na baka nga tuluyan na akong ipaaresto, ipa-file na nila ang information possibly with the regular courts and then kung hindi maagapan ang TRO (temporary restraining order) na hinihingi ko, then prepare yourself for the scenario,” ayon pa kay de Lima,
“Syempre malungkot sila. Because I want them to be psychologically prepared because ayoko na pong mangyari na mabibigla sila and then hindi rin nila alam kung ano ang gagawin,” sabi pa ni de Lima.

Sinabi pa ni de Lima na kinausap na rin niya ang kanyang mga staff sa Senado at hiniling na wag siyang iyakan sakaling isilbi ang warrant of arrest.
“Because I want everyone to be prepared and sabi ko nga if that happens already, ayokong makakita ng umiiyak, papagalitan ko yung makikita ko…Sabi ko hindi bawal umiyak, huwag lang kayong magpakita sa akin na umiiyak kayo,” aniya.
Iginiit naman ni de Lima na bagamat handa na siyang maaresto, hinihiling niya na siya ay ikulong sa ligtas na lugar.

“Ang pakiusap ko lang po sakali lang po mangyari na, God forbid, yung eventuality na yan, ay sana ilagay naman ako sa isang lugar na magiging safe and secure ako because marami na pong mga nangyayari po pinapatay din sa loob ng selda. So what’s another EJK (extrajudicial killing)?” ayon pa kay de Lima.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending