Alden, Maine may espesyal na date sa V-day | Bandera

Alden, Maine may espesyal na date sa V-day

Jun Nardo |February 12,2017
facebook
share this

Alden, Maine may espesyal na date sa V-day

Jun Nardo - February 12, 2017 - 12:01 AM
maine mendoza at alden richards HINDI man umabot ang telecast ng first primetime series nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours,  sinigurado naman ng GMA Network na hahabol sa Feb. 14 ang premiere ng full trailer ng launching series ng phenomenal loveteam. Mapapanood ang TV trailer sa 24 Oras sa Martes. Pero bago ‘yon, gaya ng inanunsyo ni Alden, may handog din silang Valentine gift sa kanilang mga follower sa Eat Bulaga. Double treat talaga ang drama nila sa Heart’s Day kaya siguradong titigil na naman ang mundo ng AlDub Nation sa araw na ito. Kahit may delays sa premiere, worth the wait naman ito ayon kay Alden. “What a way to start the love month, first soap namin ni Maine, maraming aabangan. Isa po itong napakagandang treat sa mga manonood at siyempre sa AlDub Nation na una palang pagkikita namin ni Maine, soap agad ang hinihingi, so eto na po ‘yon,” sey ng Pambansang Bae. Bagamat kabado, excited na rin si Maine sa magsisimula ng DTBY. Sey niya, “Nae-excite po siyempre and kinakabahan din kasi may expectations ang fans and medyo nakaka-pressure lang din bilang first ko ito, sana maibigay ko sa kanila anuman ang gusto nila, sana makita nila ang pinaghirapan namin.” So, AlDub Nation, lock in kayong lahat sa Feb. 14, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending